^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (20)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG dypni na may signboard na QUIAPO, PIER, ang nakita ni Dado. Wala pang gaanong pasahero. Maraming nag-aabang ang lumapit para sumakay. Nakipagsiksikan si Dado. Mahirap nang sumakay ng ganitong oras. Rush hour na. Kailangang makarating siya ng 7:30 sa opisina sa Port Area.

Sa wakas nakasampa siya sa dyipni at nakaupo. Nasa dakong gitna siya. Ngayon lang siya nahirapang sumakay. Nagtataka siya kung bakit maraming pasahero ngayon.

Dinukot niya ang kan­yang pitaka sa likurang bulsa para magbayad. Kaila­ngang makapagbayad agad siya para makaisod sa dulo kapag may bumaba. Kapag hindi siya umisod, siya ang magiging taga-abot ng ba­yad ng mga nasa dulong pasahero.

Nang makadukot ng pera, saka lamang nalaman ni Dado na ang babaing nasa harapan niya ay si Gab, ang babaing nangu­ngupahan sa silong! Hindi niya napansin palibhasa’y na­kipag-agawan siya sa pag­sakay.

Hindi nakatingin si Gab sa kanya. Nakapaling ang tingin sa unahan. Walang ka­kurap-kurap. Pero sure si Dado na nakita siya nito. Imposibleng hindi siya nakita ni Gab.

Mabili ang pasya ni Dado na ipagbayad ng pasahe si Gab. Tamang-tama naman ang hawak niyang P20 para sa dalawang tao at baka may sukli pa.

“Mama, bayad, dalawa,” sabi niya sa drayber sabay abot sa beinte. Pagkatapos ay bumaling siya sa katapat na si Gab at sinabi, ‘‘Miss bayad ka na.’’

Pero walang reaksiyon ang babae. Hindi inaalis­ ang pagkakatingin sa unahan. Parang may stiff neck. Parang walang narinig.

Hindi na inulit ni Dado ang sinabi. Tama na ang pagsasabi niya. Sapat na iyon. Naisip ni Dado, talagang suplada ang babae. Walang pakikipag-kapwa. Hula ni Dado na nagtataka ang mga katabi niyang pasahero dahil inisnab siya ng babae. Nakaramdam tuloy ng pagkapahiya si Dado. Pero naisip naman niya, ang babae ang dapat mahiya at hindi siya.

Pagsapit ng dyipni sa UST, pumara ang babae. Unang pagkakataon na nari­nig ni Dado ang boses. Ma­ganda naman pala ang boses.

Bumaba na ang babae sa tapat ng UST na para wala lang.

Hindi na ito sinundan ng tingin ni Dado. Para ano pa?

Habang tumatakbo ang dyipni, naisip ni Dado na hindi na niya dapat inilibre pa ang babae.

Sayang lang!

Inis na inis siya sa babae – kay Gab! (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with