^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (19)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pagkakain ng almusal, inatupag ni Dado ang pagtatakip sa butas sa sahig.

Nagrolyo siya ng karton na may isang pulgada ang haba. Bilog na bilog at kasya sa butas. Nilagyan niya ng epoxy ang karton para hindi bumuka. Pinatuyo muna niyang mabuti para matigas na matigas kapag ipinasok sa butas.

Nang inaakala niyang ma­tigas na ang rolyo, sinimulan na niyang ipasok ito sa butas. Kasyang-kasya ang rolyo.

Kailangang matakpan dahil maaaring lumaki ang butas at isa pa baka pagbintangan siyang naninilip sa babaing nangungupahan sa silong. Tiyak na mapapansin ng babae ang butas dahil mayroong malalaglag na dumi o alikabok. At siya ang pagbibintangan dahil siya lang ang nasa itaas.

Matapos takpan ang butas ay natulog na siya. Mas masarap matulog pagkatapos kumain.

Nang magising siya ay pasado ala-una ng hapon.

Nakaramdam siya ng gutom.

Kinain niya ang natirang kanin at tocino. Nakatipid siya sa lunch.

Ito lang ang maganda sa nag-iisang namumuhay. Gi­gi­sing at kakain kung kailan gusto. Walang pupuna sa mga ginagawa.

Kaya nga gusto na talaga niyang mabuhay na solo. Ang kanyang kuya lamang ang tutol sa mga ginagawa niya. Mahirap daw na walang asawa. Kapag tumanda ay wala raw mag-aalaga. Kung may asawa at anak, may daramay sa oras ng pangangailangan.

Ngiti lang ang sinasagot niya sa kanyang kuya. Gusto niyang ulitin dito na masarap ang buhay na nag-iisa. Mas masarap na walang res­ponsibilidad.

Kinabukasan, naglalakad siya patungo sa sakayan ng dyipni sa España. Mag-aalas siyete na.

Binilisan niya ang paglakad para hindi makasabay ang iba pang sasakay. Kabisado na niya ang galaw ng pasahero sa España sa ganoong oras. Agawan na sa pagsakay.

Nang makarating sa España, may mga nag­hihintay nang pasahero. Nagtataka siya na maraming pasahero ngayon. Parang nagkasabay-sabay sa pagpasok.

Hindi niya inaasahan na makikita roon ang babaing nangungupahan sa silong. Nag-aabang din ng dyipni. (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE

SILONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with