^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (14)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Habang pabalik si Dado sa inuupahang apartment ay ang babae pa rin na nangungupahan sa silong ang nasa isip niya. Hindi talaga niya maubos maisip kung bakit nagtatakbo ito makaraang magpakilala siya. Mabilis ang pagkaka­takbo na para bang nakakita ng multo.

Wala namang masama sa ginawa niyang pagpapakilala at nakangiti pa siya. Ang gusto lang naman niya ay makipagkaibigan dahil nasa iisang bahay sila. Wala siyang nakikitang mali sa ginawa. Hindi naman siya pormang mayabang o maangas kaya para katakutan o kaasaran.

Napailing-iling na lang si Dado.

Siguro dapat na niyang itigil ang anumang balak na pakikipagkaibigan sa babae na ayon kay Manang Oya ay “Gab” ang pangalan. Wala na siyang balak pang makipagkilala sa babaing “mailap sa tao”.

Nang makapasok sa apartment at mapadaan sa silong na inuupahan ng babaing mailap, bahagya siyang napasulyap sa pinto ng kuwartong inuukopa nito.

Ganun lang at mabilis na siyang umakyat. Wala na siyang balak pa o interes na makipagkilala sa babae.

Ibinuhos niya ang inis sa mainit na pandesal na may palamang Spam. Sunud-sunod ang subo niya sa pandesal. Napakasarap ng pandesal. Halos maubos niya ang 10 piraso.

Pagkatapos ay humigop siya nang mainit na kape.

Solb ang almusal niya!

Nawala pansamantala ang inis niya sa mailap na babae dahil sa masarap na almusal.

Pagkatapos mag-almusal, naligo na siya.

Eksakto alas-sais ay nakabihis na siya. Nang mag-6:30, lumabas na siya ng kuwarto. Nang bumaba siya sa hagdan, hindi na niya sinulyapan ang pinto ng babae sa silong.

Wala na siyang interes na makipagkilala sa babaing mailap pa yata sa usa.

Habang naglalakad siya patungong España Blvd. ay lihim siyang nagtatawa kapag naaalala ang biglang pagtakbo ng babae na para bang may humahabol na multo.

Sumisirit sa pagtawid sa kalsada.

Sabi ng tindero sa bakery ay baka “mai-ebs” ang babae kaya nagmamadali.

Baka naman totoo. Puwedeng mangyari ang ganun kahit anong oras at kahit saang lugar.

Pero kahit ganun ang dahilan, wala na siyang interes na makipagkilala pa sa babae.

Sayang lang ang oras at effort niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

SILONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with