Ang Babae sa Silong (8)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

Naiintriga si Dado kay Gab, ang ba­baing nangungupahan sa silong. Tuwing daraan siya sa silong at makikitang nakasara ang kuwarto ay nagtataka siya sapagkat tila walang tao sa loob. Sabagay, naisip ni Dado na baka nga panggabi ang trabaho ng babae – maaaring sa call center nagtatrabaho o sa isang establisimento na 24-hour ang service. Kapag araw ay natutulog ang babae kaya laging tahimik sa ku­warto. Isang beses pa lang niyang nakikita ang babae at ‘yun ay nung kausap si Manang Oya na nag-i-inquire sa pag-upa. Mula nun ay hindi na niya nakita.

Ang isa pang pinagtataka niya ay nang may makita siyang lumabas na lalaki mula sa kuwarto. Guwapo at bata pa ang lalaki­. Sa tingin niya ay hiyang-hiya pa ang lalaki nang lumabas na para bang ingat na ingat na may makapansin.

Baka naman kapatid ng babaing nangungapahan ang lalaki? O baka kaibigan? O baka pinsan?

Baka meron lamang mahalagang sinadya sa babaing nangungupahan.

Napangiti pagkatapos si Dado.

Masyado na siyang ina­abala ng babae sa silong. Masyado nang nagiging malikot ang kanyang imahinasyon.

Huwag na nga niyang pansinin ang babae sa silong at sa halip ay ang sarili niya ang buhusan ng atensiyon. Huwag na siyang makialam sa buhay nang may buhay.

Kinabukasan ng hapon, galing siya sa trabaho. Umaakyat siya sa hagdan nang makita na may pumasok na la­laki sa kuwarto ng ba­bae. Hindi ito ang lala­king­ nakita niya kahapon. Iba ang lalaking ito na sa tingin niya ay mga mahigit 30-anyos. Guwapo at ma­ayos ang suot.

(Itutuloy)

BABAE SILONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with