^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (3)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

DALAWA silang magkapatid. Ang kuya niya ay nasa Sydney. Pareho nang namayapa ang ka­nilang mga magulang. Magkasunod na namatay ang kanyang tatay at nanay, limang taon na ang nakararaan. Inatake sa puso ang kanyang tatay at makaraan ang isang linggo, ang nanay naman niya ang namatay – kumplikasyon sa diabetes. Dalawa ang kanilang binurol. Sabay na inihatid sa huling hantu­ngan.

May naiwang lupain ang kanyang mga magulang sa probinsiya. Gusto ng kanyang kuya na ipagbili na ang ari-arian. Tutal naman daw at walang mag-aasikaso. Nanakawin lang ang mga tanim na niyog at saging. Magbabayad lang sila nang magbabayad ng amelyar pero iba lang ang makikinabang. Pumayag siya sa pasya ng kanyang kuya.

Noong nakaraang taon, naipagbili nila ang lupa ng P6 milyon. Hinati nila ang pinagbentahan. Ang kanyang nakaparte ay nilagay niya sa banko – time deposit.

Sabi ng kuya niya, kung anuman ang kailangan niya o kung kulangin sa pera, ipaalam lang sa kanya. Maayos ang buhay ng kanyang kuya sa Sydney.

“Sige Kuya. Pero sana dumalaw naman kayo rito sa Pinas kapag maluwag kayo para naman magkita-kita tayo.’’

“Oo Dado, hayaan mo at sisikapin naming makauwi.’’

“Salamat Kuya.’’

“Kung bakit kasi ayaw mo pang mag-asawa. Mahirap ang nag-iisa.’’

‘‘Kuntento na ako sa ganito Kuya.’’

“Hindi ka naman bading e kung bakit ayaw mong mag-asawa.’’

“Mas masarap ang buhay nang walang asawa Kuya. Isa pa ayaw kong humawak ng responsibilidad. Gusto ko solo lang, Kuya.’’

Napailing na lang ang kuya niya.

 

ISANG umaga ng Sabado, wala siyang pasok at nakakababad sa kama dahil sabik sa tulog.

Nang may kumatok sa pinto. Nagising siya.

Sino kaya ang kumakatok?

Bumangon siya at tinungo ang pinto.

 (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with