Alupihan (197)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

Dali-daling kumuha ng walis si Cris para ipanghampas sa mga alupihan.

Pero pagbalik niya, wala ang mga alupihan. Naka­takas na!

Ininspeksiyon ni Cris kung saan nagdaan ang mga alupihan pero wala na­man siyang makita.

Hinanap pa niya sa mga madidilim na sulok. Wala na!

Nag-alala si Cris na baka makapasok sa room ni Hani ang mga alupihan. Baka kung kailan natutulog si Hani ay saka maglutangan ang mga alupihan. Baka pumasok sa loob ng unan o sa kutson at kagatin si Hani. Makamandag pa na­man ang alupihan at maa­aring mamatay ang kinagat kapag hindi naagapang dalhin sa doctor.

Ipinagpatuloy niya ang paghahanap sa mga alupihan.

Binaliktad niya ang kutson ng kama. Wala. Pati ang mga kaloob-looban ng mga cabinet ay hinalughog niya pero wala siyang nakitang mga alupihan.

Nahihiwagaan si Cris sa paglutang ng mga alupihan. Natatandaan niya, noong bago pa lamang binabalak ang pagpapa-boarder, may lumutang na ring alupihan sa ilalim ng lababo.

Sumunod ay nakakita siya ng alupihan sa room ni Diana at kung hindi siya nagkakamali ay sa room din ni Hani.

Bakit naglulutangan na naman ang mga alupihan?

At napansin niya, mula nang dumating si Hani rito ay lalo pang naglutangan ang mga alupihan.

Para bang hinahabol nila si Hani.

Sinusundan nila kung nasaan ito.

Hanggang sa mapagtuunan ng pansin ni Cris ang pangalan at apelyido ni Hani.

HANI LUPA.

Kung bubuo ng salita sa pangalang HANI LUPA ay lalabas ang ALUPIHAN.

Paulit-ulit na sinuri ni Cris ang HANI LUPA. Tala­gang lumalabas ang salitang ALUPIHAN.

Nag-isip si Cris. Anong kababalaghan ito?

O nagkataon lang?

Baka naman masya­dong mataas ang imahinas­­yon­ niya at pati si Hani ay pagkakamalan niyang may kaugnayan sa ALUPIHAN.

Hanggang sa maisip ni Cris na itanong iyon kay Hani. Mamaya pagdating ni Hani, uuriratin niya ito. (Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with