Alupihan (193)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

Napayakap si Cris kay Hani kaya hindi ito tuluyang bumagsak. Napayakap din si Hani kay Cris. Nadama ni Cris ang malambot na katawan ni Hani. Parang marsmallow.

“Hindi mo pa nga kaya Hani. Huwag mo nang pilitin.”

Inalalalayan ito ni Cris patungo sa sopa.

Iniupo ni Cris nang dahan-dahan.

‘‘Maupo ka na lang muna at magrelaks. Ma-maya pagkakain mo e uminom ka uli ng gamot. Marami pa akong gamot. Mahirap kapag pinilit mong ilakad yan.’’

“Oo nga Kuya. Kaya lang…’’

“Kaya lang ay ano?’’

‘‘Paano ako makakapagluto o makakabili ng pagkain ko?’’

“Narito naman ako ah. Huwag kang mag-alala at magluluto ako ng pagkain natin. Basta prente ka lang diyan sa sopa. Mag­relaks ka lang diyan.’’

‘‘Paano kita mapapasalamatan Kuya?’’

Nagtawa si Cris. ‘‘Pamagat ng palabas sa TV yan ah.’’

Nagtawa rin si Hani.

‘‘Si Kuya nagpapatawa.’’

‘‘Para naman marelaks ka. Sige diyan ka lang at magluluto ako. Ano ba ang gusto mong lutuin ko.’’

“Gusto ko ay may  sabaw Kuya.’’

“Tamang-tama magla-laga ako ng baka. Maganda yung karne na nabili ko. Sige diyan ka lang at magluluto ako.’’

“Sige Kuya.’’

Nagtungo na si Cris sa kitchen.

Si Hani naman ay nag­basa ng magazine. Pero hindi siya makapag-con­centrate sa binabasa sapagkat ang kabutihan ni Cris ang umaagaw sa kanyang isipan. Napakabuting tao ni Kuya! Mahirap nang makatagpo ng ganitong tao ngayon!Tama ang desisyon niyang huwag umalis sa bahay na ito.

Kanina nang yakapin siya ni Cris ay damang-dama niya ang pagprotekta nito sa kanya. Talagang siniguro na hindi siya matutumba. Damang-dama rin niya na lalaking-lalaki si Cris.

Napabuntung-hininga si Hani.

Kaya lang, dedikado pala ito sa namayapang asawa na si Maya. Hindi pala nito papalitan ang asawa. Forever ang pagmamahal daw nito sa asawa.

Napabuntunghininga uli si Hani.

‘‘Hani, eto na ang pagkain mo. Kumain ka na at baka malipasan ka ng gutom!’’ sabi ni Cris habang dala ang plato ng ulam at mangkok ng nilagang baka. (Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with