Alupihan (192)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Nakaidlip si Cris habang­ nakapatong ang kanang paa ni Hani sa kan­yang hita. Maski si Hani ay nakaidlip din. Hinayaan ni Cris na makapagrelaks si Hani habang nakapatong ang masakit nitong paa na namaga makaraang matapakan ng kapwa pasahero sa pakikipag-agawan sa pag­sakay sa dyip. Naaawa si Cris kay Hani.

Mas naunang nagmulat ng mga mata si Hani. Pasado alas siyete na ng gabi.

Nakita niyang nakaidlip din si Cris.

Hiyang-hiya si Hani dahil nakapatong ang kanyang paa sa hita ni Cris. Hindi ma­gawang makaalis ni Cris dahil inaalala ang kalagayan niya na masakit ang paa.

Sinubukang alisin o iangat ni Hani ang paa mula sa kinapapatungang hita pero hindi niya magawa. Masakit! Kaunting galaw lang ay makirot.

Grabe ang pagkakatapak sa kanyang kapwa pasa­herong lalaki. Nakipag-aga­wan kasi siya sa dumating na dyipni. Wala nang gaanong dyip na bumibiyahe dahil ibinawal na bunsod ng pandemya.

Kung hindi siya makikipag-agawan ay baka abutin siya ng gabi. Wala ring taxi.

At sa pakikipag-agawan niya, natapakan ang kanang paa niya ng matabang pasahero.

Mabuti na lang at nagawa pa niyang maka­akyat sa dyip. Habang nasa dyip, naramdaman niya ang unti-unting pagsakit ng paa niya. Hanggang sa maramdaman niyang kumakalat na sa buong paa ang kirot.

Pagbaba niya sa dyip, hindi na siya makalakad ng diretso. Iika-ika na siya. Mabuti na lamang at malapit na ang bahay mula sa kanto na binabaan niya. Kung malayo ang nilakad niya, baka matumba siya sa kalsada dahil hindi na niya mata­galan ang sakit.

Maya-maya, gising na rin si Cris.

“Kuya, naabala kita. Baka may gagawin ka pa,’’ sabi ni Hani na bahagyang ikinilos ang paa.

‘‘Wala naman akong gagawin. Ano ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang paa mo.’’

“Medyo nabawasan na ang sakit.’’

“Mabuti naman. Baka mamaya lang ay wala nang sakit niyan.’’

“Ita-try kong ilakad Kuya.’’

“Baka hindi mo pa kaya?’’

“Ita-try ko Kuya.’’

“Sige at aalalayan kita.’’

Dahan-dahang inangat ni Hani ang paa mula sa pagkakapatong sa hita ni Cris.

Dahan-dahan siyang tumayo.

“Aba mukhang kaya mo na nga.’’

Humakbang si Hani.

Pero nawalan ng panimbang at babagsak.

Nasalo at nayakap ni Cris.

“Masakit pa talaga Kuya! Hindi pa puwede.’’

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with