Alupihan (188)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

MAG-AALAS DOSE na ng hatinggabi ay hindi pa makatulog si Cris. Pabiling-biling siya sa higaan. Tatagilid, titihaya at tataob pero ayaw siyang dalawin ng antok. Bakit kaya? Dahil kaya marami siyang kinain? Masarap kasi ang pagkakaluto ni Hani sa chopsuey. Pawang­ sariwa ang gulay na niluto ni Hani. Napakalinamnam ng luto ni Hani. Walang ipinagka­iba sa lutong chopsuey ng namayapa niyang asawa na si Maya. Masarap mag­luto si Maya. Naperpekto ni Maya ang pagluluto. Pa­wang sariwang gulay din ang ginagamit ni Maya sa pagluluto ng chopsuey. Ngayong natikman niya ang luto ni Hani, parang nabuhay ang kanyang asa­wang si Maya. Posible kayang sumanib ang kaluluwa ni Maya kay Hani kaya ganundin ito kasarap magluto ng chopsuey.

Kung sumanib, ibig bang sabihin ay maaring magkagustuhan sila ni Hani?

Napabuntunghininga si Cris.

Naipangako niya kay Maya na ito lamang ang tanging iibigin. Walang makakapalit sa puso niya si Maya.

Pero sinabi rin naman ni Maya sa kanya noong ito ay nakaratay na puwede siyang mag-asawang muli basta’t ang pipiliing babae ay ‘yung katulad ng ugali niya (Maya).

Naisip ni Cris na nagkakapareho ang ugali ni Maya at Hani – parehong mabait at maalalahanin.

Ilang ulit pang huminga nang malalim si Cris.

Samantala, sa kabilang kuwarto ay hindi rin pala makatulog si Hani. Pabiling-biling din siya sa pagkakahiga.

Ngayon lang ito nangyari sa kanya na alas dose na ng hatinggabi ay hindi pa dalawin ng antok.

Sabi ng mga kaopisina niya, talaga raw marami ang nakakaranas ngayon na hindi makatulog lalo ngayong may pandemya. Marami raw kasi ang stress at nababalisa sa mga nangyayari ngayon kaya hindi makatulog sa gabi.

Ipinasya ni Hani na bumangon. Lalabas siya ng room. Baka sakaling ka­pag nasa labas siya ay dalawin siya ng antok.

Binuksan niya ang pinto ng kuwarto.

At nagulat siya sapagkat lumabas din ng room si Cris.

Pareho pa sila nagka­gulatan.

“Hindi ako makatulog, Hani.’’

“Ako man Kuya. Hindi ako dalawin ng antok.’’

Nagkatinginan ang da­lawa.

Nasulyapan ni Cris ang mga “papayang nakabitin’’ na dati na niyang naispatan noon.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with