Alupihan (185)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

NANG makaalis si Hani para magtungo sa opisina, tinawagan niya sa Australia ang kapatid na si Berna. Ibabalita niya rito na hindi na siya tumanggap ng boarders at isa na lang ang nangungupahan sa kuwarto.

“Mabuti ang naisip mo Kuya. ‘Di ba ‘yan ang payo ko sa’yo nun. Huwag ka nang magpaupa at bibigyan ka lang ng problema,’’ sabi ni Berna.

“Tama ka Sis. Kaya nga isa na lang ang boarder ko. Tahimik na ang buhay ko.’’

“Oo tama ‘yan Kuya. Bawas stress. Nagkakaedad ka na kaya dapat huwag nang mai-stress.’’

“Magkasundo pa kami ng natirang boarder.’’

“Sino nga ‘yung natirang boarder mo Kuya?’’

“Si Hani.’’

‘‘Ah oo si Hani Lupa. ‘Di ba maganda siya?’’

‘‘Hindi siya kagandahan pero sobrang ganda ng ugali – super!’’

‘‘Talaga? Sana ma-meet ko siya sa pag-uwi ko riyan.’’

“Sana nga pero mahirap pang magbalikbayan ngayon dahil sa COVID. Maraming requirements. Pagdating dito iku-quarantine ka.’’

“Ay oo nga. Kumusta ang cases ng COVID diyan Kuya?’’

“Dumarami pa. Diyan sa Sydney?’’

“Marami rin Kuya.’’

‘‘Mag-ingat kayo.’’

‘‘Ikaw din Kuya.’’

“Sige tatawagan na lang uli kita, Sis.’’

‘‘Bye Kuya.’’

ISANG umaga, kinausap ni Hani si Cris. Mukhang may ipakikiusap si Hani.

“Kuya maaari mo ba akong samahan sa Balic-Balic?’’

“Anong gagawin mo sa Balic-Balic?’’

“Mayroon akong dadalhin­ sa pamilya sa isa naming empleyado na namatay noong nakaraang buwan. Hindi ko kabisado ang Balic-Balic, Kuya. Puwede ba Kuya?’’

“Saan sa Balic-Balic?’’

“Sa Mindoro St.’’

“A alam ko ‘yan. Sige mag­bibihis lang ako.’’

“Ako na ang bahala sa lunch mo Kuya.’’

“Huwag na. Para ‘yun lang.’’

‘‘Ang bait mo Kuya.’’

Makalipas ang ilang minuto ay nakabihis na si Cris.

‘‘Tayo na Hani.’’

‘‘Mag-face mask ka Kuya.’’

Nag-face mask si Cris. Umalis na sila.

Madali nilang nakita ang Mindoro St. sa Balic-Balic. Pagbaba ng dyip ay nilakad na lang nila ang bahay ng kasamahan ni Hani. Humihingi ng pasensiya si Hani kay Cris sa abala.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with