Alupihan (163)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

Sigurado si Cris na may nagbubukas ng bin­tana pero hindi niya matukoy kung saang bintana ng bahay. Parang nilalagari ang salamin o ang bakal? Dinadahan-dahan ang paglalagari para hindi marinig pero nasasagap pa rin niya.

Dahan-dahang kinuha ni Cris ang tubo ng gripo na nakasandal sa pader sa kanyang ulunan. Mula nang malaman niya na may balak magnakaw, lagi nang nakahanda ang tubo. At hindi lang dito sa loob ng kuwarto siya may nakahandang tubo pati sa labas ay mayroon din na kabisado niya kung saan nakalagay. Maagaw man sa kanya ng magnanakaw ang tubo, mayroon pa siyang reserba na madadampot. Hindi siya basta-basta magpa­patalo sa magnanakaw.

Pinakinggan muna niyang mabuti kung saan nag­mumula ang ingay. Pa­sulput-sulpot ang ingay. Siguro ay nakakaramdam din ang magnanakaw na mayroon nang nakakarinig kaya hindi dinadalas-dalas ang paglalagari.

Hindi niya malaman kung ang bintana sa salas o sa second floor ang nilalagari.

Pinakinggan pa niya. Pero hindi niya makumpirma kung saan ang eksaktong bintana.

Ipinasya na ni Cris na lumabas ng kanyang kuwarto para malaman kung aling bintana ang nilalagari ng magnanakaw.

Hindi agad niya ibinukas nang maluwang ang pinto. Sumilip muna siya sa labas. Bahagyang madilim dahil isang ilaw lang ang may sindi pero naaaninag niya kung may tao sa salas. Wala siyang makita. Nawala rin ang tunog na may nilalagari.

Nakiramdam si Cris. Nanatili siya sa kinaroroonan.

Wala siyang marinig sa salas. Ibig sabihin, hindi ang bintana sa salas ang nilalagari.

Ipinasya na ni Cris na lumabas. Hinawakan niya nang mahigpit ang tubo. Dahan-dahan siyang lumakad patungo sa salas.

Nakarating siya sa salas. Tumigil siya at nakiramdam.

Walang ingay dito. Hindi sa bintana sa salas balak magdaan ng magnanakaw.

Hanggang sa marinig niya muli ang ingay na may nilalagari.

Pinakinggan niyang mabuti.

Nilalagari ang grills!

At natiyak niya kung saang bintana may nilalagari. Sa second floor! (Itutuloy)

CRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with