Alupihan (160)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

NAPILITANG magtapat si Jaymee kay Cris kaya ito nagpasyang umalis sa boarding house.

“Si Gretchen po ang da­hilan, Kuya,” sabi ni Jaymee sa mahinang boses. ‘‘T-bird po si Gretchen at gusto akong ligawan pero mapilit po. Nagbabanta po na kapag binigo siya ay may mang­yayari. Kakaiba pong magalit si Gretchen, Kuya.’’

“Ano ang ginagawa kapag nagagalit, Jaymee?’’

“Sumisigaw po. Naghihistirikal at kung anu-ano pang hindi magandang ugali ang lumalabas. Para pong nababaliw na hindi ko maintindihan. Kaya para po makaiwas na ako sa gulo o sa posibleng pananakit ni Gretchen ay ipinasya ko nang umalis.’’

Napabuntunghininga si Cris. Si Gretchen pala ang may deperensiya kaya aalis si Jaymee.

“E sina Hannah at Girlie, alam mo ba ang dahilan kaya sila umalis?’’

Hindi makasagot si Jay­mee. Nagbabantulot.

“Hindi mo ba sila tinanong Kuya?’’

“Hindi ko na tinanong ang dahilan. Basta ang sabi ng dalawa e aalis sila. Si Hannah ay uuwi raw ng probinsiya at si Girlie ay lilipat daw sa malapit sa kanyang opisina.’’

‘‘Hindi po ‘yun totoo, Kuya. Kaya umalis sina Hannah at Girlie ay dahil din kay Gret­chen. Nililigawan din ni Gretchen ang dalawa at nagbabanta rin.’’

“Talaga palang si Gretchen­ ang may problema.’’

“Oo Kuya.’’

“E si Diana? Mayroon ka bang alam kay Diana, Jaymee?’’

“Wala po Kuya. Hindi ko po kabisado ang buhay ni Diana.’’

“Umalis din si Diana ka­hapon at emergency daw. Uuwi raw siya ng probinsiya.”

“Hindi ko po alam Kuya. Kami lang po nina Hannah at Girlie ang nagkakahi­ngahan ng loob. Wala po akong alam kay Diana.’’

“Sige Jaymee. Salamat sa mga pinagtapat mo.’’

‘‘Salamat din Kuya. Siya­nga pala Kuya, pagsabihan mo si Hani na huwag didikit kay Gretchen. Mag-ingat din siya.’’

‘‘Oo, Jaymee. Sasabi­han ko si Hani.’’

‘‘Kasi ngayong wala na kaming tatlo rito, baka si Hani naman ang puntiryahin ni Gretchen.’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with