Alupihan (157)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

“SINO ba ang pinag­yayabang mo at parang ayaw mo na sa akin, Hani?’’ sabi ni Gretchen sa malakas na boses.

‘‘Wala!’’ sagot ni Hani.

‘‘Baka naman si Kuya ang ipinagyayabang mo? Alam ko dikit ka kay Kuya.’’

‘‘Hindi! Huwag mong isama si Kuya. Wala siyang alam dito.’’

‘‘E bakit ka nga iwas nang iwas at maraming arte? Bakiiittt! Bakiiiit?’’ sigaw ni Gretchen.

‘‘Huwag kang sumigaw!’’

Pero lalo pang sumigaw si Gretchen.

“Hindi mo ako mapipi­gilang hindi sumigaw! Marami ka kasing arte. Marami kang katsang! Sino nga ang pinagyayabang mo!’’

‘‘Wala akong pinagya­yabang. Maniwala ka, Gret­chen.’’

‘‘Bakit umiiwas ka? Dati ka namang hindi ganyan. Dati gustung-gusto mo ang ginagawa ko ‘di ba? ‘Di baaaa?’’

“Huwag ka namang su­migaw, nakakahiya sa makakarinig.’’

“Wala akong pakialam kung may makarinig. Sinimulan mo ito kaya tapusin natin. Akala mo matatakot ako!’’

‘‘Please Gretchen, makinig ka.’’

“Ayoko!’’

‘‘Mag-usap tayo nang ma­ayos. Hindi ito maaayos kung magtataas ka ng boses.’’

Pero tila wala nang nari­rinig si Gretchen. Pawang baliw na. Parang naka-droga.

‘‘Makinig ka naman Gret­chen.’’

Pero sa halip na makinig, naging marahas na si Gretchen.

Biglang hinaklit ang shirt ni Hani.

Napunit. Nalantad ang boobs ni Hani.

Saka biglang hinawakan ang mga iyon ni Gretchen.

Napasigaw si Hani sa ginawa ni Gretchen.

“Ayyyyy! Ano ba Gret­chen?’’

Sa kabila ng pagsigaw ni Hani, nagpatuloy si Gret­chen sa ginagawang pag­hawak at paghimas sa boobs.

Wala nang takot.

“Ano ba Gretchen?’’ sabi ni Hani at iniiwas ang sarili para mapigilan si Gretchen.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang biglang may magbukas ng pinto.

Si Cris!

‘‘Anong nangyayari rito?’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with