Alupihan (156)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

“Talaga bang isa­sagawa ang pagnanakaw dito, Gret­chen?’’ tanong ni Hani.’’

“Oo! ‘Di ba sinabi ko na sa’yo? Kailangang-kailangan niya ang pera at ‘yun nga buntis siya. Mayroon na siyang kinutsaba?’’

‘‘Paano mo nalaman, Gretch? E ‘di ba magkagalit na kayo ni Diana?’’

Saglit na nag-isip si Gretchen at nang sumagot ay tila inis.

“Bago pa kami nagkagalit ng hinayu­pak na babaing ‘yun ay may plano na siya! Una nga niyang plano ay ipapain ang sarili kay Kuya Cris at ipaaangkin ang pinagbubuntis pero nagbago ng plano dahil kailangan niya ng pera. Bakit parang hindi ka naniniwala sa akin, Hani?’’

“Hindi naman sa ganun, Gretch.’’

‘‘Marami ka kasing inuurirat e sinasabi ko na nga sa’yo na may masamang balak si Diana.’’

‘‘Masama bang mag­tanong?’’

“Hindi! Kasi’y parang diskumpiyado ka sa akin.’’

“Gusto ko lang ma­katiyak para mapaghan­daan ang balak na pagnanakaw.’’

“Basta si Diana ang may plano nang mga mangyayari. Huwag ka nang maraming tanong.’’

“Okey sige, aalis na ako. Maliligo pa ako.’’

“Teka sandali Hani.’’

At nabigla ni Hani nang ipasok ni Gretchen ang kanang kamay sa loob ng blouse niya at nilamas ang kanyang boobsie.

“Gretch ano ba?’’

“Sandali lang ito,” sabi ni Gretchen at ipi­nagpatuloy ang paghimas. Parang nagmamasa ng arina si Gretchen.

“Tama na!’’ sabi ni Hani at winaksi ang kamay ni Gretchen.

Inalis ni Gretchen.

Pero humirit uli.

“Pahalik na lang, Hani.’’

“Ayoko, Gretchen. Tama na!’’

Nagalit si Gret­chen.

Tumaas na naman ang boses nito.

Hysterical na naman!

“Bakit ba ang damot mo? Dati naman ay puma­payag ka! Bakit ngayon ay marami kang katsang? Marami kang arte! Bakit?’’

“Huwag kang sumigaw, Gretch.”

Pero lalo pang inilakas ni Gretch ang boses. Parang nasisiraan ng bait.

Natulala si Hani. (Itutuloy)

HANI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with