Alupihan (155)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

Nag-iisip si Hani habang patungo sila sa room ni Gretchen. Nagtataka siya kung bakit naghistirikal na agad kanina ang babaing ito. Bakit galit na galit sa kanya. Hindi naman ito ganito dati. Kung hindi pa siya pumayag sa gusto nito, baka magpatuloy sa pagsigaw at pag-eeskandalo. Nakakahiya.

“Ano ba ang sasabihin mo Gretch?’’ tanong ni Hani nang makapasok na sila sa room. Kinabig ni Gretch ang pinto bago sumagot.

“Basta may sasabihin akong mahalaga – at may ibibigay ako sa’yo.’’

“Anong ibibigay mo?’’

“Basta halika!’’

Hinawakan siya sa kamay ni Gretchen at sabay silang naupo sa kama.

“Matutuwa ka sa ibibigay ko sa’yo Hani.’’

“Ano nga ‘yun?’’

Dinukwang ni Gretchen ang cabinet at may kinuha roon. Nakabalot sa plastic. Binuksan nito ang plastic. Isang kahita ang kinuha sa loob. Ibinigay kay Hani ang kahita.

“Buksan mo, Hani,’’ sabi ni Gretchen.

Kinuha ni Hani at binuksan.

Isang kuwintas.

“Bagay sa’yo ‘yan. Isukat mo!’’

“Mamaya na.’’

“Sige na. Ngayon na !’’

Pumayag si Hani. Baka magwala na naman kapag hindi siya pumayag. Isinuot niya ang kuwintas.

“O ‘di ba ang ganda!’’

“Ba’t mo ako binigyan nito?’’

‘‘Kailangan mo bang itanong ‘yan?’’

“Bakit nga?’’

“Mahal kita eh.’’

Napalunok si Hani. Talagang malaki ang pagkagusto sa kanya ni Gretchen. Talagang gagawin ang lahat para siya mabihag nang husto.

“Salamat, Gretch. Pero aalisin ko muna ito at baka mahulog kapag naliligo ako,’’ sabi niya at tinanggal ang kuwintas.

Nang maalis ang kuwintas, tinanong ni Hani si Gretchen kung alam na nito na umuwi ng probinsiya si Diana.

“Oo alam ko na. Tak­tika lang ‘yun ni Diana para hindi siya mapagbintangan sa mangyayaring nakawan dito.’’

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with