Alupihan (154)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

“Mag-uusap lang tayo, Hani. Sandali lang,’’ sabi ni Gretchen.

‘‘Saka na lang Gretch. Maliligo kasi ako.’’

‘‘Saglit nga lang.’’

‘‘Bukas na lang Gretch. Huwag ngayon. Meron kasi akong gagawing mahalaga pagkatapos maligo.’’

‘‘Kahit ilang saglit lang, sige na Hani...’’

‘‘Hindi nga puwede, Gretch.’’

Sa puntong ‘yun, nakita ni Hani na nanlisik ang mga mata ni Gretch. Parang ti­ngin ng isang nasa impluwensiya ng bawal na gamot. Kasunod ay ang pagsigaw nito. Parang nag­hihistirikal!

“Bakit ba ayaw mong makipag-usap sa akin? Bakit iniiwasan mo ako? Ano ba ang ikinagagalit mo sa akin?’’

Hindi makapagsalita si Hani sa inasal ni Gretchen. Bakit naging ganito ang babaing ito? Bakit nagwa­wala? Tanong niya sa sarili.

“Ano magsalita ka Hani? Bakit mo ako iniiwasan? Bakit marami kang palusot? Bakit marami kang dahilan? Bakit parang nandidiri ka at nilalayuan mo?’’

Saka lamang nakapagsalita si Hani. Pinilit niyang magpakahinahon.

“Hindi naman kita iniiwa­san, Gretchen. Mayroon lang akong gagawing mahalaga kaya hindi kita mapagbigyan.’’

“Huwag mo na akong lin­langin. Magsabi ka nang totoo! Magsabi ka nang totooooo!’’ sigaw ni Gretchen na maaaring dinig ng kapitbahay.

Naisip ni Hani na kaila­ngang daanin sa diplomasya si Gretchen. Kung hindi, lalo pa itong magwawala.

“Sige mag-usap tayo. Ha­­lika sa kuwarto mo, Gretch,’’ sabi ni Hani at kinuha ang kamay ni Gretchen.

Makahulugan siyang tiningnan ni Gretchen.

Nag-isip.

Mamaya-maya ay humupa na ang boses.

“Payag ka na, Hani?’’

“Oo. Niyayaya nga kita sa room mo ‘di ba? Halika!’’

Napangiti si Gretchen sa narinig.

Tinungo nila ang room ni Gretchen.

Nag-iisip si Hani. Bahala na kung ano ang mang­yayari sa kanila. Basta ang mahalaga ngayon ay ma­­pigil ang pagwawala ni Gret­chen. Nakakahiyaea kung magpapatuloy ito sa pagsigaw.

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with