Alupihan (140)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2020 - 12:00am

Hindi pa pala tapos para kay Diana ang nang­yari sa kuwarto. Pakitang tao lang ang ginawa niya sa harap ni Cris nang mag-sorry at sinabing hindi na uulit at gagawa pa ng ingay.

Pero nang makaalis si Cris, binantaan ni Diana sina Gretchen at Hani. Hindi ma­lakas ang boses nito pero may diin at galit na galit pa rin. Parang toro na umuusok ang ilong.

‘‘Hindi pa tayo tapos, mga walanghiya. Babalikan ko kayo. Ikaw Hani, humanda ka, lalo kong papapangitin­ ang mukha mo! At ikaw Gret­chen, matitikman mo ang lupit ko dahil ipinagpalit mo ako sa suwangit na ‘yan. Pagkatapos mong simsimin ang kasariwaan ko, basta mo na lang ako ibinasura. Hu­manda kayong dalawa! Gagantihan ko kayo! Hindi n’yo malilimutan ang ganti ko!’’

Pagkasabi niyon ay ma­bilis na lumabas ng room si Diana.

Nagkatinginan na lamang sina Hani at Gretchen. Na­saktan si Hani sa mga sinabi ni Diana at gusto nang sumagot kanina pero nagpigil siya dahil magkakaroon na naman ng ingay. Kakahiya sa mga kapitbahay. Pinigil na lamang niya ang sarili na huwag gumanti.

“Ano ang gagawin natin, Gretch?’’ tanong niya.

“Hayaan mo siya! Praning na siguro ‘yun!’’

“Gaganti raw siya sa atin.’’

“Nananakot lang ‘yun. Ang taong gaganti, hindi na nagbabanta kundi gagawin na lang balak! Huwag kang matakot.’’

“Bakit ba ako nadamay dito?’’ kunwari ay nagdrama si Hani. “Sana hindi na lang ako nag­tungo rito.’’

“Huwag kang nerbiyosa! Gusto mo sabihin na lang natin kay Kuya ang balak ni Diana. Para palayasin na rito ang babaing ‘yun. Kapag wala na siya e ‘di happy-happy na tayo. Ano sa palagay mo?’’

Hindi agad nakaimik si Hani.

“Ako ang magsasabi kay Kuya, Hani. Para matapos na ang kabaliwan ni Diana.’’

‘‘Huwag muna Gretch!’’

‘‘Bakit?’’

“Basta, huwag muna.’’

“Natatakot ka?’’

“Oo.’’ (Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with