^

True Confessions

Alupihan (131)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Nang mamatay ang asawa kong si Maya, ipinangako ko sa kanya na siya ang una at huling babae na aking mamahalin. Wala siyang makakapalit sa aking puso. Kahit anong mangyari, hindi ko siya papalitan,’’ sabi ni Cris kay Hani. Seryosong-seryoso ang tinig nito.

Nakatitig si Hani kay Cris. Hindi kumukurap. Humahanga sa mga sinabi ni Cris.

‘‘Sabi nga ng sister kong si Berna ay bakit hindi uli ako mag-asawa. Siguro raw naman ay maiintindihang namayapa kong asawa kung muli akong maghanap ng ibang makakasama sa buhay. Pero sabi ko kayu Berna, hindi na talaga ako mag-aasawa. Tama na si Maya sa buhay ko. Para ano pa at maghahanap ako ng makakasama e puwede naman akong mag-isa at ang alaala na lang ni Maya ang aking gugunitain. Tama na yun. Isa pa, hindi naman ako makakasiguro kung mag-asawa uli ako  kasing-ugali at kasing-bait ni Maya ang makukuha ko. Baka kumuha lang ako ng bato sa pinukpok sa sarili kong ulo…’’

Napatangu-tango si   Hani bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Cris.

‘‘Nauunawaan kita Kuya. Baka nga magkaroon ka lang ng problema kung mag-aasawa ka uli. Marami rin kasi akong alam na biyudo na nag-asawang muli pero dusa lang ang sinapit dahil hindi sila magkasundo ng babaing pinakasalan. At ang nangyari, naghiwalay din.’’

‘‘Salamat naman at naunawaan mo ako, Hani.’’

“Hanga ako sa’yo Kuya sa labis mong pagmamahal sa namayapa mong asawa. Bihira na ang katulad mo.’’

‘‘Salamat Hani.’’

‘‘Siyanga pala Kuya, hindi kayo nagkaanak ni Misis mo?’’

‘‘Hindi. May deperensiya si Misis.’’

“A kaya pala.”

“Kung may anak kami e ‘di sana masayang-masaya ako.’’

“Talagang hanga ako sa’yo Kuya. Purong-puro ang pag-ibig mo kay Misis.’’

“Tama ka Hani. Nag-iisa si Maya dito sa puso ko.’’

Maya-maya naghikab na si Hani.

“Ayan, naghihikab ka na. Ituloy mo na ang tulog mo. Siyanga pala bukas e itutuloy ko ang paghanap sa alupihan sa kuwarto mo.’’

“Sige Kuya. Pero bukas ng gabi e dun na ako sa kuwarto ko. Hindi na siguro babalik ang alupihan sa kuwarto.’’

“Sige Hani. Pero bukas sisiguruhin ko na wala na talagang alupihan sa room mo.’’

“Salamat Kuya.’’

Isang umaga, patu-ngo sa banyo si Hani para maligo nang tawagin siya ni Gretchen.

‘‘Hani!’’

Natigilan si Hani. Ano kaya ang balak ni Gretchen?

(Itutuloy)

MAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with