^

True Confessions

Alupihan (129)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Tulog na tulog si Hani at halos hindi yata na­ramdaman ang pagpasok ni Cris para kunin ang char­ger ng cell phone. Siguro ay pagod na pagod sa tra­baho kaya pagbagsak ng likod sa kama ay tulog agad ito. Ang alam niya ay sa HR ng isang opisina sa Taft Ave­nue nagtatrabaho si Hani.

Nasulyapan ni Cris ang anyo ni Hani kapag natutulog. Maganda pala itong pagmasdan habang tulog sapagkat animo’y naka-po­sing na kukunan ng picture. Parang modelo si Hani sa posing sa kama.

Marahang lumapit si Cris sa mesita na kinapapatu­ngan ng kanyang charger.

Marahang dinampot iyon.

Dahan-dahang tumalikod para lumabas na ng silid.

Pero nang lalabas na siya ay bigla siyang tinawag ni Hani.

“Kuya!’’

Gulat na napatigil si Cris.

Lumingon kay Hani.

‘‘Sorry Hani naabala kita sa pagtulog. Kinuha ko lang itong charger. Nalimutan kong bitbitin kanina.’’

‘‘Okey lang Kuya, hindi nga ako makatulog.’’

“Akala ko tulog ka na.’’

“Nakapikit lang ako Kuya.’’

“Ah akala ko himbing na himbing ka na.’’

“Magkuwentuhan muna tayo Kuya. Baka sakaling ‘pag nagkuwentuhan tayo e dalawin ako ng antok.’’

‘Sige. Hindi pa rin naman ako inaantok.’’

“Maupo ka Kuya.’’

Naupo si Cris sa gilid ng kama.

“Iniisip ko rin kasi Kuya ‘yung pinag-usapan natin tungkol kay Diana kaya siguro hindi ako makatulog.’’

‘‘Huwag mo nang isipin ‘yun, Hani. Mapag-iingatan ko na naman ang aking sarili.’’

“Sana naman e hindi na matuloy ang plano ni Diana.’’

“Sana nga. Kasi baka kung saan lang mahantong ang lahat. Malay mo baka bigla akong topakin e kung ano ang magawa ko. O kaya’y bigla ko na lang ibuking para mapahiya.’’

“Kaya mo Kuya?’’

“Oo kapag nasa gipit na akong sitwas­yon, maka­kaya kong kumprontahin si Diana.’’

Napatango si Hani.

Maya-maya ay na­ging seryoso si Hani.

“Isa pang gumugulo sa akin e si Gret­chen. Tiyak na hindi ‘yun titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto sa akin.’’

“Dapat pala e ikaw ang mag-ingat, Hani.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with