Alupihan (128)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2020 - 12:00am

Nagtataka si Cris kung bakit biglang nagsusulputan ang alupihan nga­yong tag-araw. Ang alam niya lumulutang ang alupihan kapag tag-ulan o tagbaha at apektado ang kanilang tirahan. Ang alam niya ay sa mamasa-ma­sang bagay na nakatira ang alupihan gaya sa gapok na kahoy at sa mga pagitan ng pader na mahalumigmig. Mayroon ding nakatira sa mga mamasa-masang lupa.

Natatandaan niya, bago dumating si Hani ay ilang beses din siyang nakakita ng alupihan dito sa bahay. Una ay sa ilalim ng lababo sa laundry area at ikalawa ay dito sa kuwartong ito. Hindi kaya ang mga nakita niyang alupihan noon ay ‘yun din ang mga nagsulputan ngayon? Posible.

Naisip din naman ni Cris na baka galing sa kapitbahay ang alupihan. Pero mas mataas ang bahay niya kaysa sa katabing bun­galow.

Nang hindi niya makita­ ang alupihan at walang ma­kitang posibleng pag­daanan nito, tinapos na niya ang paghahanap.

Mas mabuting doon na nga muna sa kuwarto niya matulog si Hani ngayong gabi habang patuloy niyang hina­hanap ang alupihan.

Delikado na baka habang natutulog dito si Hani ay saka sumulpot ang alupihan. Baka makagat pa si Hani ay lumaki pa ang problema.

Maaari naman siyang ma­tulog sa kanyang opisina. Mas mahalaga ay mayroong komportableng higaan si Hani. Maaari siyang magtiis.

Kinagabihan, dakong alas sais ay dumating si Hani galing sa trabaho. Sa opisina na ni Cris ito nagtuloy.

“Hi Kuya. Nakita mo po ba ang alupihan sa room ko?’’

“Hindi Hani. Bukas ipagpapatuloy ko ang paghahanap. Diyan ka na matulog sa kuwarto ko. Inayos ko na ang kama. Kumpleto na ang gamit diyan. Diyan ka na muna matulog habang hinahanap ko ang alupihan.’’

“Salamat Kuya. Takot talaga ako sa alupihan.’’

‘‘Sige diyan ka muna sa room ko.’’

‘‘E ikaw Kuya? Saan ka matutulog?’’

‘‘Dito sa opisina ko. Sanay akong matulog sa sahig. Sige na, Hani.’’

‘‘Salamat Kuya.’’

Tinungo ni Hani ang room ni Cris.

Kinagabihan, dakong alas onse, biglang naalala ni Cris na nasa room niya ang charger ng kanyang cell phone.

Kung kakatukin niya si Hani baka maistorbo ito. Kawawa naman.

Ipinasya niyang pumasok na lamang sa kuwarto nang dahan-dahan para makuha ang charger.

Ganun nga ang ginawa niya.

Nang makapasok sa room, nakitang niyang tulog na tulog si Hani.

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with