Alupihan (127)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2020 - 12:00am

‘‘Palagay mo Hani, ikaw na ang bagong kahuhumalingan ni Gretchen?’’ tanong ni Cris.

‘‘Sa himig ng pananalita ni Gretchen ay parang ganun na nga Kuya.’’

‘‘Paano kung ganun nga ang mangyari? Papayag ka na maging kabyut ni Gretchen?’’

‘‘Anong kabyut Kuya ?’’

‘‘’Siyota, karelasyon...’’

‘‘Naku hindi Kuya. Kaya ko lang natiis ‘yung pakikipaghalikan sa kanya e dahil nga meron akong mis­yon. Gusto kong maipagtapat niya ang balak ni Diana at nagtagumpay naman ako.’’

“Paano kung sa mga sumunod na araw e mayroon siyang hilingin sa’yo lalo at nabitin pala dahil sa alupihan.’’

“Kapag magagawa ko e iiwasan ko siya Kuya.’’

“Paano kung hindi mo maiwasan?’’

“Bahala na Kuya.’’

“Sige mag-ingat ka Hani. Salamat uli.’’

“Salamat din Kuya.’’

“Mamayang hapon, dito ka na matulog sa kuwarto ko habang hinahanap ko ang alupihan sa iyong kuwarto. Huwag ka nang magdala ng unan at kumot.’’

“Opo Kuya. Sana makita mo ang alupihan.’’

“Gagawin ko ang lahat Hani.’’

Nagpaalam na si Hani. Papasok pa siya sa opisina

Pagkakain ng lunch, sinimulan nang hanapin ni Cris ang alupihan sa room ni Hani.

Una muna niyang ininspeksiyon ay ang mga sulok ng kuwarto. Sa isang maliit na butas daw nagdaan ang alupihan, sabi ni Hani.

Pero nasaliksik na niyang lahat ang bawat sulok ay wala naman siyang nakitang butas na maaaring pagdaanan ng alupihan.

Ininspeksiyon niya ang bintana. Wala rin siyang nakitang butas o siwang na maaaring pagdaanan.

Ang kama naman ang kanyang ininspeksiyon. Wa­lang alupihan doon.

Pati ang kisame ay kan­yang ininspeksiyon. Buo naman ang kisame at wala ring daraanan doon.

Nakatakas na nga siguro ang alupihan.

Pero saan nagdaan?

Lubhang nakapagtataka ang alupihan. (Itutuloy)

CRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with