Alupihan (126)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2020 - 12:00am

‘‘BAKIT kaya nagkaroon ng alupihan sa room ko Kuya? Malinis naman ang kuwarto ko at walang mga nabubulok na bahagi. Ano kayang mayroon sa room ko?’’ tanong ni Hani na habang nakatingin kay Cris.

Si Cris naman ay walang kakibu-kibo at hindi malaman ang isasagot kay Hani sapagkat naguguluhan din sa sinasabing alupihan.

“Ang ikinatatakot ko Kuya ay nakatakas ang alupihan. Nagdaan siya sa maliit na butas. Hindi ko naabot. Balak ko sanang hampasin pero wala naman akong makitang panghampas.’’

Saka lamang nakapagsalita si Cris.

‘‘Alam mo Hani, bago ka dumating dito, may nakita na akong alupihan sa kuwarto mo pero napaalis ko na iyon at pinagtatakpan ko na ang mga posibleng pagdaanan. Hindi ko alam kung ang alupihan na nakita mo ay ‘yun din ang nakita ko.’’

“Baka ‘yun din ang alu­pihan, Kuya. Malaki na kasi. Maitim na may halong red brown ang kulay.’’

“Baka nga. Hayaan mo at iinspeksiyunin ko ang room mo.’’

“Natatakot ako Kuya. Baka bumalik at gumapang sa kama ko.’’

“Kung gusto mo e ‘di sa kuwarto ko muna ikaw manatili habang hinahanap ko ang alupihan.’’

“Naku paano ka Kuya? Saan ka matutulog?”

“Dito ako sa office ko. Maaari naman akong magla­tag diyan sa suwelo.’

“Kakahiya Kuya.’’

“Okey lang, Hani. Mayroon ka namang nagawang tulong sa akin.’’

“Salamat Kuya. E ‘di ma­­­mayang gabi dito muna ako.’’

‘‘Sige. Aayusin ko ang kama. Kahit hindi ka na magdala ng kumot at unan. Marami ako riyan.’’

‘‘Salamat Kuya.’’

‘‘Siyanga pala paano kung hanapin ka ni Gret­chen sa kuwarto mo?’’

“Hindi ‘yun pupunta roon Kuya dahil sa takot sa alupihan.’’

Napatangu-tango si Cris.

‘‘Pero alam mo Kuya, nag­papasalamat ako sa alupi­han dahil hindi nagawa ni Gretchen ang balak sa akin.’’

‘‘Iniligtas ka ng alupihan Hani?’’

“Oo Kuya.’’

“Talagang nagustuhan ka ni Gretchen ano?’’

“E ayaw na raw po niya kay Diana.’’

“Bakit daw?’’

“Bilasa na raw po.’’

Nagtawa nang mahina si Cris. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with