Alupihan (124)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

Kinabukasan, hinintay ni Hani na makapasok muna sa trabaho at school ang mga kasamahang boarders particular na sina Diana at Gretchen at saka siya nagtungo sa opisina ni Cris. Kailangang malaman nito ang mga nangyari para makapag-ingat. Sasabihin na rin niya kay Cris ang tungkol sa alupihan na biglang sumulpot sa kanyang kuwarto.

Nang matiyak ni Hani na nakaalis na ang mga kasamang boarders, mabilis siyang nagtungo sa opisina ni Cris.

Kumatok siya.

Pinapasok siya ni Cris.

“O Hani narito ka pa pala. Wala ka bang pasok?’’

“Meron Kuya. Pero mayroon akong maha­lagang sasa­bihin sa iyo kaya mamayang hapon na ako papasok. Kaila-ngang malaman mo kasi ang natuklasan ko.’’

Napa­maang si Cris.

Huma-nga agad siya kay Hani sa bilis nitong makakuha  ng impormasyon.

“Maupo ka Hani.’’

Naupo si Hani.

“Ano ang natuklasan mo?’’

Sinabi ni Hani ang lahat nang mga ipinagtapat ni Gretchen. Detalyado ang pagtatapat niya sa maitim na balak ni Diana. Seryosong-seryoso si Hani.

“Maaaring isagawa na ni Diana ang balak Kuya, kaya dapat alerto ka. Huwag kang pabibitag!’’

‘‘Salamat Hani. Kaya pala ganun na lamang ang pagpapakita niya sa akin ng katawan sa banyo. Ngayon ko lamang naisip na sinadya niyang iwan na bukas ang pinto ng banyo para maka­pasok ako at makita ang kahubaranm niya.’’

‘‘Tama Kuya. Iyon ang unang hakbang niya pero dahil hindi ka nabitag o nadala sa panunukso sa plan 1, gagawin niya ang plan 2. Sa loob mismo ng room mo ikaw bibitagin.’’

Napatangu-tango si Cris.

Saka huminga nang malalim.

At nagsalita pagkatapos.

‘‘Akala pala nila ay  ma­yaman ako, Hani?’’

‘‘Oo, Kuya. Mukha ka kasing yayamanin, he-he-he!’’

“Akala siguro nila por­ke may apartment ako e mayaman na.’’

“Oo nga Kuya.’’

“Salamat at nadiskubre mo Hani. Teka, paano mo nga pala napagkum-pisal si Gretchen?’’

Ikinuwento ni Hani ang mga nangyari kay Cris.

Hindi makapaniwala si Cris sa ginawa ni Hani.

(Itutuloy)

CRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with