^

True Confessions

Alupihan (116)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘MANGAKO ka sa akin, Hani, huwag mong sasabihin kahit kanino, lalo na kay Kuya Cris,’’ sabi ni Gretchen.

‘‘Oo. Mapagkakatiwalaan mo ako, Gretch. Ano ba ang problema mo?’’

“Actually, hindi naman talaga ako ang sangkot dito kundi kinakasabwat lang ako…’’

Napamaang si Hani. Mukhang malalim nga ang problema. At sa direksiyon ng pananalita ni Gretchen ay hindi siya ang talagang may problema. Naisip ni Hani, mukhang matitibag na niya ang misteryo. Mayroon na siyang maire-report kay Kuya Cris.

“Anong ibig mong sabihin, Gretchen? Kung hindi ikaw ang may problema e sino?’’

“Si Diana.’’

“Ha? Paanong si Diana? Bakit siya?’’

“Paano ko ba ito sasabihin? Baka may makaalam na iba e madadawit ako. Wala naman talaga akong alam dito. Mangako ka Hani na wala kang pagsasabihan sa problemang ito.’’

‘‘Oo Gretch. Sige na sabihin mo na.’’

Huminga muna nang malalim si Gretch.

Saka nagkumpisal.

‘‘Buntis si Diana. Nabuntis siya ng classmate niya. E mula nang mabuntis, hindi na nagpakita ang walanghiyang classmate. Problemado si Diana. Hindi niya alam ang gagawin. Tiyak na itatakwil siya ng kanyang mga magulang na nasa probinsiya kapag nalaman na buntis siya. Humigi ng tulong si Diana sa akin. Paano raw ang gagawin niya? Nag-isip kami ng paraan. Pero mayroong naisip na marumi si Diana. Sa naisip daw niya tiyak na solb ang problema at tiyak na magkakaroon pa siya ng pera…’’ tumigil si Gretchen.

“Ano ang naisip niya, Gretch?’’

Huminga si Gretch.

“Ipaaako niya kay Kuya Cris ang pinagbubuntis niya.’’

“Ano? Paano ‘yun?’’

Napailing-iling si Gretch.

“Mahirap nga pero sabi ni Diana, magagawa niya basta tulungan ko siya. Mayroon daw siyang plano.’’

‘‘Ano ‘yun? Anong plano?’’

Huminga muli si Gretch. Mukhang bantulot.

‘‘Basta Hani, huwag kang magsusumbong kahit kanino lalo kay Kuya. Ma­ngako ka.’’

‘‘Oo. Pangako.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with