Alupihan (93)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2020 - 12:00am

“Magkano ang cho­colate na ito Kuya?’’ tanong ni Diana.

“Bahala na kayo kung magkano.’’

“Aba hindi puwede Kuya. Negosyo mo ito eh. Sabihin mo kung magkano,” giit ni Diana. Si Gretchen naman ay nakatingin lang.

“Bahala na nga kayo at kung kailan n’yo gus­tong bayaran. Sinabi ko na ‘yan kay Gretchen ka­nina.’’

“Aba e ‘di ibigay mo na lang ito sa amin Kuya, he-he-he!’’ sabi ni Diana.

“O sige na nga, sa inyo na lang ‘yan.’’

‘‘Huwag kang magbiro Kuya at hindi ko tatanggihan.’’

“Oo sa inyo na lang. ‘Yan e padala lang naman ng sister ko. Sige na.’’

“Salamat Kuya,” sabi ni Diana at binalingan si Gretchen, “Hoy Gretchen, magpasalamat ka sa binigay ni Kuya.’’

Saka lamang hiyang-hiyang nagpasalamat si Gretchen.

“Salamat Kuya at sorry uli sa nangyari.’’

‘‘Kalimutan mo na ‘yun. Sige aalis na ako.’’

‘‘Bye Kuya. Salamat,’’ sabi ni Diana at tinampal sa balikat si Cris.

Umalis na si Cris.

Nang nasa kuwarto na niya, saka siya malalim na nag-isip tungkol sa nang­yari kanina.

Ang pagkahimatay ni Gretchen at pagyakap nito sa kanya ay lubhang nakapagtataka.

Para bang planado ang lahat!

At saka ang biglang pagdating ni Diana na akto namang nakapatong siya kay Gretchen.

Parang scripted!

Parang may plano ang dalawa!

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with