Alupihan (89)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2020 - 12:00am

Sa halip na iuupo ni Cris si Gretchen sa kama ay naihiga niya ito dahil sa sobrang pagkayakap sa kanya.

Hindi niya maintindi-han kung bakit sobrang higpit ng yakap nito sa kanya. Siguro’y masama talaga ang pakiramdam kaya ganun kahigpit ang yakap. Parang kapit-tuko na si Gretchen. Ano ba ang nangyayari kay Gretchen? Masama kaya talaga ang pakiramdam.

“Anong nangyayari sa’yo Gretchen?’’

Pero hindi sumagot at nanatiling nakayakap kay Cris.

Hindi malaman ni Cris ang gagawin.

Hindi niya basta-basta mababaklas ang mga braso ni Gretchen habang nakayakap sa kanya. Baka nga masama ang pakiramdam nito ay siya pa ang maging dahilan para ito lalong malagay sa hindi maganda.

Sa tindi nang pagka-yakap sa kanya ay nararamdaman niya ang mga malulusog na boobsie ni Gretchen. Parang may da-lawang malaking marshmallow na naiipit ng kanyang dibdib. Nasasamyo rin niya ang bango nito sa dakong leeg.

Sinubukan niyang da-han-dahang alisin ang braso nito.

Pero matindi talaga ang kapit.

Mahirap alisin. Parang tuko kung makakapit.

“Gretchen, ano bang nararamdaman mo?” ta­nong niya.

Pero walang sagot.

Nawalan kaya ng malay?

Pinakinggan niya ang tibok ng dibdib. Ma­­­lakas naman ang tibok.

“Gretchen, tatawag ako ng mga kasama mo. Tatawagin ko si Diana para mag-asikaso sa iyo.’’

Pero lalo lamang yumakap ito sa kanya.

At ang masama pa, hinalikan siya sa leeg. Kinagat-kagat ang kanyang leeg.

Nakiliti siya.

“Gret­chen…ano bang…’’

Nagpatuloy si Gretchen sa ginagawa.

Nang biglang bumukas ang pinto.

Duma-ting si Dia­na!

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with