Alupihan (85)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2020 - 12:00am

Hindi akalain ni Cris na lalabas din sa kani-kanilang kuwarto sina Gretchen at Diana at nakita siya ng mga ito. Si Hani ay nakatayo sa may pintuan at hinihintay si Cris. Tinawag kasi ito ni Cris.

Hindi malaman ni Cris ang gagawin. Ibibigay pa ba niya ang chocolates kay Hani, o hindi na.

Pero nagpasya siya na ituloy ang pagbibigay ng chocolates.

Lumapit siya kay Hani.

Pero tinawag siya ni Gretchen.

“Kuya, ano ‘yan? Bakit kami wala?’’

Nagulat si Cris.

Pero agad din siyang nakaisip ng lusot.

“Ha? A e order ito ni Hani.’’

“Ano ‘yan, Kuya?’’

“Chocolates.’’

“Talaga? Paborito ko ‘yan Kuya!’’ sabi ni Gretchen.

‘‘Ako rin Kuya!’’ sabi naman ni Diana.

‘‘Order nga niya ito.’’

‘‘Nagtitinda ka ng cho­colates, Kuya? Patingin, oorder din ako.’’

Hindi malaman ni Cris ang gagawin pero kaila­ngan niyang panindigan ang naunang sinabi.

“Kay Hani nga ito. Bibig­yan ko kayo marami pa. Nasa opis.’’

‘‘Patingin lang Kuya.’’

Walang nagawa si Cris kundi ipakita ang chocolates kina Diana at Gret­chen.

“Ay ang sarap nito. Imported Kuya?’’

“Oo. Galing Australia.’’

“Pa-order ako Kuya,’’ sabi ni Gretchen.

“Ako rin Kuya, two bars.’’

“Sige, dadalhan ko kayo.’’

“Magkano Kuya?’’ tanong ni Diana.

“Mura lang.’’

“Kuya baka naman libre ‘yang ibibigay mo kay Hani. Magtatampo kami.’’

Namutla si Cris.

“Hindi. Order niya ito. Di ba Hani?’’

Hindi agad nakasagot si Hani sa kabiglaanan.

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with