Alupihan (82)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

Nagtuluy-tuloy na si Gretchen sa room niya na para bang nagmamadali. Narinig pa ni Cris ang malakas na pag­sasara nito ng pinto.

Nagkatinginan sina Cris at Hani.

Nagpaalam na si Cris kay Hani.

‘‘Sige, Hani.’’

‘‘Salamat uli Kuya rito sa damit.’’

‘‘Walang anuman Hani.’’

Umalis na si Cris.

Narinig din niya ang pag­sasara ng pinto ni Hani.

Habang bumababa si Cris sa hagdan ay nanghihinayang siya at hindi nakita ang ginagawa nina Gretchen at Diana sa kuwarto.

Alam niyang mali ang gagawin pero malakas ang “utos” sa kanyang utak na gawin ang bawal na pagsilip. Aywan ba niya kung bakit? Kakahiya kung may nakahuli sa kanya habang nakasilip sa kuwarto.

At muntik na nga dahil biglang lumabas si Hani. Muntik na siyang mahuli ni Hani.

Pero sinisisisi rin naman niya si Hani. Nakita sana niya ang nangyayari sa room kung hindi luma­bas si Hani.

Pero nagtataka rin siya kung bakit mabilis lang si Gretchen sa room ni Diana.

Baka wala pang limang minuto mula nang pumasok ay lumabas na ito.

Kung mayroon silang ginagawang “milagro”, dapat ay matagal si Gretchen sa loob. Hindi kaya sa loob ng limang minuto ang ginagawa nilang “milagro”.

Noong una niyang makita ang dalawa na may ginagawa, sa tantiya niya ay mga kalahating oras. Ganun katagal si Gretchen sa loob.

At kanina, napansin ni Cris na tila nagmamadali si Gretchen sa paglabas. Bakit kaya?

Panibagong palaisipan na naman para kay Cris ang nangyayari.

Paano kaya niya malalaman iyon?

O huwag na niyang pag-interesan at baka lamang siya malagay sa hindi magandang sitwasyon?

(Itutuloy)

HANI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with