^

True Confessions

Alupihan (79)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Mayroong dadalhin si Cris sa kuwarto ni Hani nang makita niya na nag-uusap sina Diana at Gretchen sa koridor. Napaatras si Cris pero narinig niya ang pag-uusap ng dalawa. Parang siya ang pinag-uusapan. Hindi siya sigurado.

Nagkubli siya sa may hagdan para masagap ang pinag-uusapan. Mabuti at hindi siya napapansin ng dalawa.

‘‘Anong nangyari sa plano mo Diana? Nagawa mo ba?’’

“Muntik na!’’

“Anong muntik na?’’

“Bibigay na sana pero may dumating na asungot!’’

Nagtawa si Gretchen. Tinakpan pa ng kamay ang bibig para hindi mapa­lakas ang tawa.

‘‘Asar na asar talaga ako Gretch. Bibigay na sana ang target dahil atat na pero may dumating. Biglang nasira ang plano!’’

“Sabi ko sa’yo, pahamak si suwangit eh!’’

‘‘Oo nga. Gusto ko ngang magwala pagkatapos.’’

“Gusto mo gantihan natin?’’

“Huwag muna.’’

“Paanong gagawin mo?’’

“E ‘di tuloy ang nasirang plano.’’

“Ganun uli?’’

“Iba naman. ‘Yung hindi mapupurnada.’’

“Gusto mo tayong da­lawa ang gumawa? Para lalong maging mabilis. Kung dalawa ang gagawa e baka bumigay na. Dala-dalawa ang kanyang haharapin, ha-ha-ha!’’

“Ako na lang muna, Gretch. Palagay ko, kaya ko na ito. Nakita kong bibigay na e kaya kaunting pakita na lang at boom!’’

Nagtawa lalo si Gretchen.

Maya-maya nakita ni Cris na naghiwalay na ang dalawa. Pumasok na sila sa kani-kanilang ku­warto.

Hindi na itinuloy ni Cris ang pagtungo sa kuwarto ni Hani. Bukas na lang ng umaga niya ibibigay ang damit na naiwan nito sa washing machine.

Bumalik siya sa kan­yang opisina. Naupo at nag-isip. Siya kaya ang pinag-uusapan nina Gret­chen at Diana? Hindi niya sigu­rado dahil wala namang bi­nanggit na pangalan.

Kinabukasan, Linggo, patungo siya sa kuwarto ni Hani nang makita si Gretchen na nagtungo sa kuwarto ni Diana. Ano kaya ang gagawin ni Gretchen?

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with