Alupihan (74)
Patda si Cris sa nakita. Para siyang tuod na hindi nakakilos sa kinatatayuan.
Hindi niya inaasahan na naroon si Diana at naliligo. Hubo’t hubad!
Ang alam niya, nakaalis nang lahat ang mga babaing boarders kaya tiwala siyang nagtungo sa banyo para linisin iyon.
Akalain ba niyang narito si Diana!
‘‘Sorry! Sorry Diana! Akala ko walang tao!’’
Mabilis namang nahagilap ni Diana ang tuwalya at ibinalot sa katawan. Nang makapagbalot ng katawan ay hinarap si Cris. Hindi naman galit pero may halong pagdududa.
‘‘Sinisilipan mo ba ako Kuya?’’ tanong nito.
“Aba hindi!’’
“Bakit ka pumasok?’’
“Akala ko walang tao. Ganito kasing oras e wala na kayo. At saka hindi nakasara ang pinto.’’
“Nakalimutan ko kasing isara dahil sa pagmamadali kanina.’’
‘‘Hindi kita sinisilipan, Diana. Talagang lang akala ko e walang tao rito.’’
Tinitigan siya ni Diana.
“Hindi ka nagsisinungaling Kuya?’’
“Hindi! Ba’t naman ako magsisinungaling? At saka bakit ko gagawin yun?’’
“Siyempre lalaki ka at…’’
“At ano Diana?’’
“Matagal ka nang biyudo. Siyempre nagha-hanap ka…’’
“Hindi!’’
“Owwws?’’
“Hindi ako naghahanap. Alam mo naman ang dahilan di ba?’’
Napangiti na lang si Diana.
‘‘Dahil mahal mo ang namayapa mong asawa?’’ tanong nito.
“Oo. Kaya hindi ko magagawa na magsamantala gaya nang sinasabi mo na baka sinisilipan kita. Hindi ko ugali ang ganun na ang mga babaing nakatira sa bahay ko ay aking pagnanasaan.’’
“Naks ha?’’
“Kaya sorry sa nangyari. Hindi ko ito sinadya.’’
“Hindi naman ako nagagalit Kuya,’’ sabi ni Diana. ‘‘Gusto mo makita ang nasa loob ng tuwalya ?’’
Nanuyo ang lalamunan ni Cris.
Kumilos ang kamay ni Diana para alisin ang nakabalot na tuwalya.
(Itutuloy)
- Latest