^

True Confessions

Alupihan (72)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pinipilit ni Cris na ma­ging mabait sa lahat nang kanyang babaing­ boarders (lalo na sa limang babae), kahit pa nagpa­pakita ang mga ito nang hindi maganda kay Hani. Gusto niyang mapakiusa­pan ang mga ito sa mapayapang paraan. Alam kasi niya ang ugali ng mga ka­bataan ngayon na hindi na kayang takutin. Lumalaban na. Kaya kung maaari ay dinadaan niya sa diplomasya. Sabi nga ang lahat ay madadaan sa maganda at maayos na pakiki­usap.

Sabi naman ng limang babae na nagbibiro lang sila ukol kay Hani. Joke lang daw iyon.

Sana nga ay joke lang, nasasabi ni Cris sa sarili.

Kasi’y kakaiba ang takbo ng isip ng mga kabataan ngayon. Maganda ang pakita sa harap pero pagtalikod ay nananaksak.

At palagay ni Cris, parang nambu-bully ang lima. Palibhasa’y sabay-sa­bay silang lima na lumi­pat sa bahay, nagkakaisa sila.

At dahil nga bago at nag-iisa si Hani, ito ang kanilang target na i-bully.

Napailing si Cris, kahit saang lugar ay mayroong bully.

Pero naniniwala si Cris na kaya naman niyang lu­tasin sakaling dumating sa punto na pinagkakaisahan ng limang babae si Hani.

Isang tanghali, tuma­wag muli ang kanyang sister na si Berna mula sa Australia. Nangungumusta ang kapatid.

“Kumusta ang boarders mo Kuya? Nililigawan ka pa ba?’’

“Okey naman sila. Tumigil na sa mga pagbibiro sa akin. Nagsawa rin siguro. O baka nagpapalamig lang.’’

‘‘Baka nga. Kasi’y isa pa may bago na akong boarder.’’

“Talaga?’’

“Oo.’’

“Maganda rin siguro. E di madagdagan ang manliligaw sa’yo.’’

Humagalpak ng tawa si Cris. Nagtaka si Berna.

‘‘Ba’t ka nagtawa Kuya?’’

‘‘Kasi’y hindi maganda ang bago kong boarder.’’

“Anong itsura?’’

“Basta hindi ma­ganda. Pero super ganda naman ng wan­kata.’’

Nagtawa si Berna.

“Talaga bang hindi maganda? Ano ngang itsura Kuya’’

Inilarawan ni Cris.

Nagtawa si Berna. Hindi mapigil ang pagtawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with