^

True Confessions

Alupihan (69)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ALAM ni Cris na ang bagong boarder na si Hani ang tinutukoy nina Gretchen at Diana. Kahit na hindi nagsabi ng pangalan ang mga ito, malinaw na si Hani ang tinutukoy dahil ito lang naman ang bagong boarder.

Nahiling ni Cris na sana ay huwag lumabas ng room niya si Hani para hindi na marinig ang mga sinasabi ng dalawa.

“Hindi ka na nakapagsalita, Kuya,” sabi ni Gretchen. ‘‘Sabi mo, pawang ma­gaganda ang kukunin mong boarder e bakit may nasingit na hugis inidoro.’’

Naghagikgikan ang da­lawa pagkatapos.

“Huwag naman kayong ganyan, Girls. Baka ma­rinig kayo e sabihin e pinagka­kaisahan n’yo siya. Please lang…’’

“Ikaw naman Kuya para napansin lang namin si Hani eh natakot ka na agad,’’ sabi ni Diana.

Lalong kinabahan si Cris dahil binanggit ni Diana ang pangalan ni Hani.

“Huwag mo nang bang­gitin ang name niya, please.’’

Lalong naghagikhikan ang dalawang pilya.

“Kuya, nalimutan naming­ itanong kung ano ang sur­name ni Hani,’’ sabi ni Gret­chen.

Luminga-linga muna si Cris bago sumagot.

“Lupa ang apelyido niya.’’

“Lupa?’’ sabay na sabi nina Gretchen at Diana.

“Oo.’’

“Kakaibang apelyido. Ba­gay sa mukha, ha-ha-ha!’’ sabi ni Diana. At nakitawa si Gretch.

‘‘Please huwag kayong maingay.’’

Natahimik ang dalawa.

“Sige Kuya, ituloy mo na ang ginagawa mo. Ha­lika na, Diana.’’

Umalis na ang da­lawa.

Makalipas ang may sam­pung minuto, nag­daan si Hani. Naka-office uniform. Papasok na siya.

“Good morning Kuya,” bati nito.

“Good morning, Hani. Papasok ka na?’’

“Oo Kuya.’’

“Sige ingat.’’

“Salamat, Kuya.’’

Sinundan ni Cris ng tingin si Hani. Seksi talaga ito kahit nakatalikod. Hu­wag lang haharap.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with