Alupihan (68)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 27, 2020 - 12:00am

Napansin agad ni Cris sa ekspresyon ng mukha ng limang babaing boarders ang pagkagulat nang makita si Hani. Hindi nila marahil inaasahan na hindi kagandahan si Hani.

Nasulyapan pa niyang lihim na nagbubu-lungan sina Gretchen at Diana. Mula nang ma­huli niya ang paghahalikan ng dalawa sa kuwarto, laging magkadikit ang dalawa.

Nang nasa opisina na ang lahat, sinimulan nang ipakilala ni Cris si Hani sa anim na boarders.

‘‘Mga girls, gusto kong ipakilala sa inyo si Hani – ang bagong occupant ng Room No. 6. Kanina lang siya lumipat.’’

“Hi Hani!’’ sabi ni Gretchen at lumapit kay Hani at nagbeso-beso.

Nagsunuran ang iba pang girls sa ginawa ni Gretchen.

“Gusto ko magkakaibigan kayo lahat. Para kasi tayong magkakakapatid dito. Laging magdadamayan. Kung sino ang may problema, tutulungan. Maaasahan ko ba kayo, Girls?’’

“Yes!’’ Halos sabay-sabay na sabi.

“Ikaw Hani baka may sasabihin ka,’’ sabi ni Cris.

“Nagpapasalamat ako sa inyong lahat sa pagtanggap sa akin. Kapag mayroon kayong problema, punta lang kayo sa room ko.’’

Nagpalakpakan ang limang girls.

Natapos ang pagpapakilala.

Kinabukasan, habang naglalampaso si Cris, nadaanan siya nina Gretchen at Diana.

“Kuya, bakit naman kumuha ka ng suwa-ngit?’’ sabi ni Gretchen.

‘‘Akala ko ba, magagandang tulad namin ang tinatanggap mo,’’ sabi naman ni Diana.

Halos manliit si Cris sa sinabi ng dalawa. Baka marinig ni Hani ay nakakahiya.  

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with