Alupihan (61)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2020 - 12:00am

Hindi kagandahan ang babaing balak umupa ng kuwarto pero maganda ang pangangatawan. Iyon ang napansin ni Cris nang pinapasok na niya ang babae sa loob. Kung ikukumpara sa limang babaing boarders niya, malayo ang itsura ng mukha ng babae pero nagkakapareho sila ng ganda ng katawan o baka mas maganda pa ang katawan ng babaing balak umupa ng kuwarto. Sa tantiya ni Cris ay mga 35-anyos ang babae at kahit hindi maganda, mukhang mabait naman sa tingin niya. Mukhang walang itinatagong kapilyahan gaya ng limang boar-ders niya.

Nakapasok sila sa loob ng bahay.

“Halika sa opis ko, Miss.’’

Sumunod ang babae.

“Maupo ka.’’

Naupo ang babae sa silya na nasa harap ng table ni Cris.

‘‘Ano nga pala ang name mo Miss.’’

“Hani.’’

“As in Honey?’’

“Hindi po. H-A-N-I.’’

“Ah Hani. Ang ganda naman ng name mo. Ako nga pala si Cris, Hani.’’

‘‘Glad to meet you po, Mang Cris.’’

“Huwag naman Mang Cris. Kuya Cris na lang.’’

Napangiti si Hani. Lumitaw ang mapuputing ngipin. Kahit hindi maganda ang mukha ay may maganda naman siyang set ng mga ngipin.

“Sige po Kuya Cris. Nasanay po kasi ako na tawag sa lalaki ay mang.’’

‘‘Nakakatanda ang mang, he-he-he !’’

“Sabagay nga po, Kuya.’’

“Anong surname   mo, Hani?”

“Lupa.’’

“Lupa? As in langit at lupa?”

“Opo.’’

“Kakaiba ang name at apelyido mo. Ikaw pala si Hani Lupa.’’

‘‘Right po.’’

‘‘So gusto mo na talagang umupa ng kuwarto rito sa aking bahay?’’

“Opo, Kuya Cris.’’

“Sige, plantsahin na natin. Gaya nang nasabi ko kanina, P5,000 ang upa.’’

“Opo. Ilan pong month ang advance na babayaran ko bukod sa deposit.’’

“One month advance at one month deposit.’’

“Bale po P15,000 lahat Kuya?’’

“Oo. Siyanga pala, hindi na ako nagkokontrata pa. Maski ang mga dati nang nangungupahan sa akin e wala nang kontrata sa pagtira.’’

“Okey lang po, Kuya. Magbabayad na po ako ngayon at baka ibigay mo pa sa iba ang room.’’

“Ah hindi. Nauna ka na eh.’’

“Salamat po.’’

‘‘Bago ka magba-yad e tingnan mo muna ang room at baka hindi mo magustuhan.’’

“Sige Kuya.’’

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with