^

True Confessions

Alupihan (49)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Naisip ni Cris na problema rin pala ang pagpapaupa ng kuwarto sa mga babae. Hindi dahil sa mga pasaway ang babaing boarders niya kundi inaakit siya na gumawa ng isang bagay na ayaw naman niyang gawin. Mayroon siyang pangako sa nasirang asawa at hindi niya babaliin ang pangako kahit nga sinabi nito noon na puwede naman siyang mag-asawa basta ang pipiliin ay ‘yung tulad niya ang ugali.

Kung sa ibang la­laki ay hindi iyon problema at maari pang ipagmalaki dahil sen­yales ng kamachohan, para sa kanya iyon ay isang kasalanan at pag­sira sa pangako.

Naisip din naman­ ni Cris na kung pawang lalaki naman ang ki­nuha niyang boarders­, baka lalong problem. Baka bangayin siya kapag may problema sa kuwarto o anumang bagay dito sa bahay.

Sabi naman ng kanyang kapatid na si Berna, okey lang na mga tsik ang pinaupa niya para walang gulo. Mas less ang gulo kapag mga babae ang boarders.

Pero ngayon, parang hindi tama ang sinabi ng kanyang sister dahil nagdudulot sa kanya ng isipin ang mga ‘‘pagpaparamdam’’ ng kanyang­ magagandang boar­ders.

Napahinga nang ma­lalim si Cris.

Problema nga ba ito?

ISANG umaga, dakong alas nuwebe, ginawa ni Cris ang kanyang routine Maglalampaso sa corridor ng mga kuwarto sa itaas. Tiyak namang nasa trabaho at school ang kanyang boarders.

Sinimulan niya ang paglampaso.

Pero nagtaka siya nang makita si Gret­chen na pumasok sa room ni Diana! Ba’t narito pa si Gret­chen? Dapat nasa trabaho na ito.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with