^

Bansa

‘Bayanihan 2’ target ipasa sa special session ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng Kamara na ipasa ang panukalang Bayanihan to Recover As One Act o ang Bayanihan 2 para sa karagdagang pagtugon ng pamahalaan sa matinding krisis sa COVID-19.

Ang House Bill (HB) 6953 ay bahagi ng supplement measure kapalit ng Bayanihan to Heal As One Act na hindi naipasa sa ikalawang pagbasa dahil nag-adjourn na sine die ang Kamara nitong Biyernes.

Layon ng HB 6953 na maglaan ng P162 bilyong standby fund hanggang Setyembre ng taong ito.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, ang mga naapektuhan sa panahon ng COVID pandemic ay tutulungan ng pamahalaan kabilang ang mga nawalan ng trabaho, magkakaloob rin ng cash for work programs, pagpigil at pagkontrol sa mga malalang karamdaman, programa upang suportahan ang mga naapektuhang sektor at pondo para sa agrikultura.

Ang mga estudyante na nahaharap sa matinding krisis pinansyal dulot ng pandemya ay makakatanggap naman ng tuition fees subsidy.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with