Alupihan (18)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2020 - 12:00am

“A sige Hannah. Wait ka lang at kukuha ako ng pa­malit na bumbilya. Susunod na ako sa kuwarto mo,” sabi ni Cris kay Hannah.

“Sige po Kuya. Sa Room No. 2 po ako.’’

“Okey Hannah.’’

Umalis na si Hannah.

Si Hannah ay empleada sa isang kompanya ng bakal.

Kumuha ng pamalit na bombilya si Cris. Isang LED bulb ang kinuha niya sa cabinet. Mula nang magdesis­yon siyang magpaupa ng kuwarto, bumili na siya ng LED bulbs dahil ang mga ito ang laging nasisira.

Nagtataka naman siya kung bakit pundido agad ang bombilya sa kuwarto ni Hannah ay kapapalit lang niyon. Sabagay hindi pa LED ang bombilyang nakakabit dun. Mahinang klaseng bombilya pa ang naikabit marahil niya.

Tinungo niya ang Room No. 2 na bitbit ang isang tuntungan. Marahan siyang kumatok. Binuksan agad ni Hannah.

“Pasok ka Kuya. Pundido nga siguro­ ang ilaw. Ilang beses kong binuksan ayaw!’’

“Pundido na ‘yan.’’

Pinuwesto niya ang tuntungan at ina­bot ang bombilya at kinalas at pinalitan iyon ng bago.

“I-on mo, Hannah.’’

Ini-on ni Hannah. Nagsindi.

‘‘Ayan may ilaw na. Salamat Kuya.’’

“Walang anuman Hannah.’’

“Binata ka ba Kuya?’’

 (Itutuloy)

PAUNAWA: Ipinababatid namin sa mga mambabasa na hindi muna matutung­hayan ang seryeng ito mula bukas. Humihingi kami ng paumanhin. – Editor

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with