Alupihan (17)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2020 - 12:00am

Pinagmasdan ni Cris ang nakasabit na picture ng asawang si Maya. Maganda si Maya. Maliit na babae lang si Maya subalit para sa kanya, ito ang pinakamagandang babae sa mundo. Naalala niya, madalas lang silang magkatinginan ni Maya noong nasa third year high school sila. Magka-section sila. Kapag nasa loob ng room, nagkakasulyapan. Hanggang sa noong nasa fourth year na sila, saka siya pormal na nagparamdam dito. At naging madali ang pagkakaunawaan nila dahil pareho pala ang nara­ramdaman nila. The feeling is mutual. Mula noon, nagkaunawaan na sila ni Maya.

Kahit na hindi siya nabigyan ng anak ni Maya, okey lang sa kanya. Pero ang masakit ay nawala pa ito sa kanya. Ang sakit talaga!

Nasa ganun siyang pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Binuksan niya.

Si Hannah!

“Kuya, pundido ang bombilya sa kuwarto ko. Papalit naman!’’ (Itutuloy)

ALUPIHAN (17)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with