Alupihan (14)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - March 17, 2020 - 12:00am

NAGTAWA si Cris sa sinabi ng kapatid na si Berna.

“Ano namang suwerte ang sinasabi mo Sis?’’

“Baka suwerte yung babaing uupa kasi siya ang kahuli-hulihan. Ano bang number ng room na uupahan, Kuya?’’

‘‘Room Number 6.’’

“Aba suwerte ang number 6 ah!’’

“Owww, bakit mo nasabi?’’

“Nanalo ako sa lottery dito, pawang 6 ang numbers na itinaya ko.’’

“Di ba ang 6 ay masamang numero? Lalo na yung 666.’’

“Hindi totoo yun. Basta paupahan mo ang bakanteng room. Sayang naman kung walang uupa.’’

“Balak ko kasi, doon sa kuwartong iyon na ako matutulog at sa ground floor ay pawang opisina ko na para maluwag.’’

“Sa ibaba ka na lang matulog at pawang paupahan na lang lahat sa itaas.’’

Nag-isip si Cris.

‘‘Sige pauupahan ko na nga. Sayang ang kikitain.’’

‘‘Okey tama ang pasya mo. Maiba ako, ano namang itsura ng mga boarders mo, Kuya.’’

“Naku ang gaganda!’’

“Baka may mapili ka sa kanila, he-he!’’

Natahimik si Cris. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with