Alupihan (12)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2020 - 12:00am

Nilinis ni Cris ang Room No. 6 na tanging wala pang umuupa. Marami nang alikabok sa sahig at pati sa dingding. Pati ang kutson ay may alikabok din.

Kumuha siya ng basang basahan at pinunasan ang sahig. Pati ang dingding ay pinunasan niya.

Pagkatapos ay pinagpag ang alikabok sa ibabaw ng kutson. Nagtataka siya kung bakit may alikabok sa kuwarto gayung sarado lagi ang pinto. Wala ring bintana sa kuwarto.

Nag-isip si Cris kung pauupahan pa ang kuwarto o hindi na. Puwedeng dito na siya matulog at ang kuwarto niya sa ground floor ay gawin na niyang extension ng opis niya. Tutal at maliit ang kanyang opis na halos isang mesa at dalawang silya lang ang kasya. Kapag nagkasabay-sabay ang mag-i-inquire na bedspacers ay sikip na.

Pinag-isipan niyang mabuti.

Nagtatalo ang isip niya. Sayang naman kung hindi niya ito pauupahan. Limang libong piso rin ito. Mala­king halaga rin ang mawawala.

Napahinga nang malalim si Cris. Pag-iisipan pa niyang mabuti ang plano. (Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with