^

True Confessions

Ahas sa Garden (421)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Makalipas ang isang linggo na pamamalagi sa Maynila, nagbalik sa probinsiya sina Alexis at Nicole.

At nang mga sumunod na araw, ipinamalita na nila sa mga kasamahan at manggagawa sa vegetable farm ang balak na pagpapakasal.

Marami ang natuwa sa kanilang balak. Noon pa, marami nang nakaaalam na magkasintahan sila. Nasisiyahan sila sapagkat bagay na bagay ang dalawa. Isa pa, gusto na rin nilang may katuwang si Alexis sa buhay. Kung may katuwang ito, tiyak na lalong mapapagbuti ang pamamahala at pagpapatakbo sa farm.

Isa sa mga natuwa ang kaibigan ni Nicole na si Nina.

“Congrats, Nicole. Sabi ko na nga ba at maganda ang kahahantungan ng pag-iibigan n’yo. Kailan ba gagawin ang kasalan?’’

“Pagkatapos ng graduation ko, Nina. Isa ka sa bridesmaid ha.’’

“Ay excited ako. Mas excited pa yata ako kaysa sa bride, ha-ha-ha!’’

“Simple lang ang kasalan. Sa simbahan sa bayan­ gagawin ang seremon­yas­ at dito sa farm ang reception para makadalo lahat ang mga tao. Sabi ko kay Alexis, gusto ko e maka­dalo lahat ang mga kasamahan natin.’’

“Tama ‘yun, Nicole. Pero bakit napabilis yata.’’

“‘Yun ang gusto ni Ale­xis. Ayaw na raw niya akong mapalayo pa sa kanya. Nag­karoon daw siya ng takot dahil sa nangyari sa akin noong nakaraang buwan.’’

“A kaya pala. Sabagay tama si Alexis. Dapat nga lagi na kayong magkasama sa lahat nang oras.’’

“Ako man, Nina, gusto ko laging kasama si Alexis. Natatakot akong mag-isa.’’

“E ‘di dapat sa bahay ka na ni Alexis tumira.’’

“Lagi siya sa bahay. Ginuguwardiya­han ako.’’

Napangiti si Nina.

Madalas na namamasyal sina Alexis at Nicole sa farm. Tuwing umaga, habang sumisikat ang araw, magka­hawak-kamay silang­ namamasyal sa ta­niman ng gulay.

Nagpaplano para sa kinabukasan. Pu­numpuno sila ng mga pangarap.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN (421)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with