Ahas sa garden (416)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

“MAG-INGAT ka Love! May patalim ang addict na ‘yan!’’ Sabi ni Nicole kay Alexis. Nakakubli si Nicole sa isang malaking punongkahoy.

Maya-maya pa, du­maluhong na ang addict. Hinalihaw ng saksak si Alexis.

Mabilis na naka­ilag si Alexis. Patay kung patay kung su­mugod ang addict. Palibahasa’y naluto na ang utak sa kasi­singhot ng shabu kaya wala nang pakialam sa mundo.

Nang sumalakay muli ang addict, isang malakas na tadyak sa dibdib nito ang ibinigay ni Alexis. Bumagsak sa damuhan ang addict.

Lalong naulol ang addict. Muling sinugod si Alexis at inundayan ng mga saksak. Naiwasan ni Alexis ang mga saksak na halos ga-buhok lang.

Kailangan ni Alexis ng pamalong kahoy. May kaunti siyang nalalaman sa arnis na natutuhan niya sa kanyang lolo (ama ng kanyang ama). Mahusay sa arnis ang kanyang lolo at sikat na sikat noong dekada 60.

“Nicole, ikuha mo ako ng kapirasong kahoy. Kahit sanga ng bayabas! Bilis!’’

Mabilis na kumilos si Nicole. Binali niya ang sanga ng punong bayabas na nakita niya sa ‘di-ka­layuan.

Pagkatapos ay ini­hagis kay Alexis.

“Saluhin mo Alexis­!’’

Sinalo ni Alexis. At tamang-tama sa pagsalo, sumalakay ang addict.

Pinalo ito ni Alexis sa ulo.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with