Ahas sa garden (412)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2020 - 12:00am

ISINIKSIK pa ni Nicole ang sarili sa malagong damo. Pinipigil niya ang paghi­nga. Munting kaluskos lang ang malikha niya ay tiyak na makikita siya ng addict. Nakita niya ang hawak na patalim ng addict. Nasaan na kaya ang kasama nitong addict. Baka naghiwalay at nag-iba ng landas para ma­ging madali ang paghaha­nap sa kanya.

Tumigil ang lalaki, may ilang hakbang ang layo sa pinagtataguan niya. Lalo nang hindi siya humi­nga. Napausal ng dala­ngin si Nicole: Diyos ko, kaawaan Mo ako. Iligtas mo po ako sa taong nasa harapan ko!’’

Matagal na nakatayo ang lalaki. Pasilip-silip sa damuhan. Iginalang ma­buti ang paningin. Lahat ay sinaliksik ng tingin. Ma­rami nang kumpol ng bituin sa langit kaya nata­tanglawan ang madilim na bahagi.

Paulit-ulit ang pagdarasal ni Nicole. “Iligtas mo po ako sa taong ito.”

Biglang humarap ang lalaki at sinipat ang lugar kung saan ay naroon si Nicole.

“Hmmm, mukhang may naaamoy ako. Palagay ko narito ka lang sa tabi-tabi sexy!’’ Sabi ng addict.

Hindi pa rin kumikilos si Nicole. Patuloy siyang nagdadasal.

“Lumabas ka na, Sexy! Huwag mo na akong pahirapan! Kapag pinahira­pan mo ako, baka kung ano ang magawa ko sa’yo. Labas na! Huwag mo akong pagurin.’’

Humakbang pa ang addict. Palapit nang palapit kay Nicole. Hindi alam ni Nicole kung nakikita na ba  siya ng addict.

Kung nakikita, sana ay dinakma na siya.

Hanggang sa pinipigil na paghatsing ni Nicole ay kumawala.

Gulat na gulat ang addict.

“Sabi ko na nga ba at nariyan ka! Labas na!’’

Walang sinayang na oras si Nicole. Bigla siyang tumayo at tumakbo. Hindi na niya alam kung saan siya pupunta. Basta tatakbo siya.

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with