Ahas sa garden (411)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

HIRAP na hirap si Ni­cole dahil hindi siya ma­katayo dahil nasaktan ang kanyang kanang paa nang mahulog sa hukay.

Delikadong makita siya ng mga naghahanap sa kanya. Tiyak na ang mga narinig niyang yabag ay mula sa dalawang addict na tinakasan niya.

Isiniksik ni Nicole ang sarili sa malagong damo. Hindi halos siya humihinga. Pinilit niyang huwag maunahan ng takot. Hindi siya dapat makita.

Sumilip si Nicole sa pagitan ng mga masisinsin na damo. Naaaninag na niya ang lalaki. Nasanay na ang mga mata niya sa dilim kaya pati ang anyo ng mga sumusunod sa kanya ay naaaninag niya. Nawala na ang kulimlim ng langit at may mga bituin nang tumatanglaw.

Nagulat siya sapagkat nag-iisa ang lalaking naghahanap sa kanya. Nasaan ang kasama? Baka naghiwalay ng landas?

Nakita niya ang hawak na patalim ng lalaki.

Isiniksik pa niya ang sarili sa damuhan. Nararamdaman niya ang kirot ng kanang paa nang ikilos niya. Pero mas kakaunti na ang sakit kumpara kanina. Puwede na siyang tumayo at lumakad.

Nang marinig niya ang sigaw ng lalaki.

“Lumabas ka na sexy! Huwag mo na akong pagurin! Masama akong magalit!’’

Pinigil pa ni Nicole ang paghinga. Palapit nang palapit ang lalaki. (Itutuloy)

AHAS SA GARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with