Ahas sa Garden (410)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

Tinamaan sa tagiliran   ang kasamang addict. Napayuko ito at dahan-dahang bumagsak. May dugong umagos sa tagiliran.

‘‘Tatanga-tanga pala ha? Sino ang tanga nga-yon?’’

‘‘Putang-ina mo Kikoy. Putang-inaaa mooo!’’

Pero tatawa-tawa lang si Kikoy. Hawak nito ang kutsilyo na lumakad palayo.

“Tulungan mo ako Kikoy! Kikoyyyy!’’

“Ano ako tanga? Haha­napin ko ang tsik at ako ang magpapakasawa. Tinanga mo kasi ako. Ikaw ngayon ang gago!’’

“Kikoyy tulungan mo akooo! Kikoyyy!’’

Walang narinig si Ki­koy at nagmamadali sa paglalakad. Hahanapin niya si Nicole!

Nang mga sandaling iyon ay nasa pampang ng sapa si Nicole. Sinusundan niya ang direksiyon ng sapa. Madali niyang matutunnton ang tamang landas kapag sinundan ang patutunguhan ng sapa.

Madamo sa pampang. Nagkasugat-sugat na ang braso niya. Mahapdi. Pero tiniis niya. Kailangan niyang makalayo. Mas masakit ang kahihinatnan niya kapag nahuli ng dalawang addict. Palagay niya, sabog na sabog ang dalawa at wala na sa katinuan. Kanina, habang katabi niya ang lalaki na tinawag na Kikoy, langhap na langhap niya ang mabahong hininga nito. Ganun daw ang nagsa-shabu --- mabaho ang hininga.

Nagpatuloy siya sa pagtakbo. Matitiis niya ang mga sugat na makukuha sa patakas pero hindi ang pagluray sa kanya ng mga addict. Hindi siya titigil sa pagtakbo.

Pero hindi niya namalayan na isang hukay pala ang kanyang matatapakan. Nahulog siya. Masama ang bagsak ng kanyang kanang paa. Nabaluktot at masakit kapag ikinikilos niya.

Pinilit niyang makatayo pero masakit. Bumabagsak siya. Nawawalan siya ng panimbang.

Hanggang sa maka-rinig siya ng mga yabag na papalapit. Kinabahan siya. Nasundan siya ng mga addict!

(Itutuloy) 

KIKOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with