Ahas sa Garden (409)
(Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

Madilim pero hindi iyon nakapigil kay Nicole para hindi magpatuloy sa pagtakbo. Hindi siya titigil sa­pagkat mahalaga ang bawat segundo. Kailangang makalayo siya.

Nakaramdam siya ng hapdi sa kanyang mga paa subalit hindi niya iyon pi­nansin. Naramdaman din niya ang panghahapdi ng kanyang mga braso dahil sa mga sugat na natamo sa matatalas na damo at sanga ng kahoy. Iniwan na niya ang backpack para mabilis siyang makatakbo. Mas mahalaga ang buhay niya kaysa backpack na may laman na libro at note­book.

Hanggang sa makarinig siya ng lagaslas ng tubig. Hindi niya maani­naw kung sapa o ilog ang nara­ting niya. Pero sa dinig niya sa lagaslas, maaaring sapa ang narating niya.

Mabuti at nakarating siya sa sapa. Naalala niya na ang hantungan ng sapa at ilog at ang hantungan ng ilog ay dagat. Susundan niya ang sapa para hindi siya maligaw.

Hanggang sa marating niya ang pampang ng sapa. Pawang mga damo. Sabagay madaling magtago sa mga damo. Kung nasundan siya ng dalawang addict, mag­tatago siya sa damuhan.

Hindi siya magpapahuli sa mga addict. Kahit anong mangyari, gagawa siya ng paraan para makalayo.

Samantala, nagsisisihan­ ang dalawang addict sa pagtakas ni Nicole.

“Putsa, biglang nawala si Sexy! Saan na kaya napunta ‘yun!’’ Sabi ng addict na ang ngalan ay Kikoy.

“Tatanga-tanga ka kasi!’’

“Sinong tanga?’’

‘‘Ikaw!’’

‘‘Hindi ako tanga!’’

‘‘E ano ka, gago?’’

‘‘Putsa ka!’’

“Putsa ka rin!’’

Biglang nilapitan ni Kikoy ang kasamang addict at may binunot sa tagiliran. Kutsilyo!

“Tanga pala ha!’’

Inundayan ang ka­sama.

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN (409)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with