Ahas sa garden (408)
(Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2020 - 12:00am

NASAKTAN si Nicole sa paghaltak ng lalaki na tinawag na Kikoy. Muntik na siyang mapasubsob sa damuhan dahil sa ginawa ng lalaki na halatang sabog sa ilegal na droga. Napansin ni Nicole na hindi pa bumababa ang drayber ng traysikel at pi­nagmamasdan ang gina­gawa ng kasamang si Kikoy. Halatang nagti-trip ang drayber.

Sa ganoong sitwas­yon, tinatatagan ni Nicole ang sarili. Walang ibang magliligtas sa kanya kundi ang pagiging kalmado. Kapag nag-panic siya at patuloy na kinontra ang mga addict na nasa harap niya, tiyak na mahuhulog siya sa panganib at magtatagumpay ang mga ito sa balak.

Hindi muna siya tatanggi o sisigaw kaya. Wala siyang gagawin. Relaks lang. Kal­mado muna siya.

Kapag nakakita siya ng pagkakataon, tatakas siya. Malingat lamang ang dalawa, tatakbo siya at bahala na kung saang direksiyon mapunta. Ang mahalaga, makalayo siya. Hindi siya sa kalsada pupunta. Sa kakahuyan siya pupunta. Mas madaling magtago sa kakahuyan at damuhan.

“Ano Kikoy, pagmamasdan mo na lang ba ‘yan. Umpisahan mo na. Kapag nakatapos ka, ako naman, he-he-he !’’

“E ‘di umpisahan!’’

Lumapit ang tinawag na Kikoy kay Nicole. Pasuray-suray ito dahil marahil sa droga.

Humanda si Nicole. Kapag lalapit na ang lalaki, tatakbo siya. Tatawid siya sa kalsada.

‘‘Halika Baby. Sisimsimin ko na ang bango mo. Matagal na akong naglalaway sa’yo baka akala mo!’’

Humakbang ang lalaki. Pasuray-suray ito.

Nang may isang dipa na lang ang layo nito, biglang tumakbo si Nicole. Tumawid siya sa kalsada at pumasok sa kakahuyan.

“Putsa! Tumakas!’’ Sabi ng nabig­lang si Kikoy.

‘‘Habulin mo, gago!’’ Sabi ng dray­ber.

Si Nicole naman ay walang tigil sa pagtakbo. Sinagasaan niya ang hanggang bay­­wang na mga damo.

Nagpatuloy siya hanggang ma­ka­pasok sa ka­ka­hu­yan.

Hindi siya titigil sa pagtakbo!

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with