Ahas sa Garden (407)
(Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

Nakaramdam ng pa­nganib si Nicole. Masama na ang kutob niya. May ga­gawin ang traysikel dray­ber at ang lalaking katabi niya.

Nagsisigaw siya para may makarinig at nang mapigilan ang masamang gagawin ng dalawa.

“Ibaba n’yo ako! Ibaba n’yo ako!’’

Siniksik siya ng kata­bing lalaki.

Pero lalong nagsisigaw si Nicole.

“Saklolo! Tulungan n’yo akoooo!’’

Sinigawan siya ng traysikel drayber.

“Tumigil ka riyan!’’

“Ibaba n’yo akoooo!’’

Pero walang narinig ang drayber at lalo pang pinaharurot ang traysikel. Sob­rang bilis ng takbo.

Napansin ni Nicole na nakangisi ang katabing lalaki. Parang sabog ito sa illegal na droga. Tila nagti-trip ito habang tumatakbo ang traysikel.

Hanggang sa mapansin ni Nicole na iba na ang kanilang tinutungo. Sa halip na kumanan patungo sa Bgy. Encarnacion, kumaliwa ito at saka pumasok sa isang makipot na kalsada na pa­wang mataas ang damo.

‘‘Saan n’yo ako dadalhin? Ibaba n’yo ako! Ibaba n’yo akooooo!’’

“Huwag kang mai­ngay. Dadalhin ka namin sa langit. Paliligayahin ka namin, he-he-he!’’

Gumapang ang ki­la­bot kay Nicole. Ma­sama ang mangyayari sa kanya.

Nagpatuloy sa pagtakbo ang traysikel.

Pumasok sa kakahuyan. Lalo nang naging madilim. Hindi na niya alam kung saan ang lugar. Malayo na.

“Puwede na ba rito, Kikoy?’’ Tanong ng drayber.

“Puwede na!’’

“Ibaba mo na ‘yan!’’

Hinaltak si Nicole ng lalaki na ang pangalan ay Kikoy.

“Halika na!”

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN (407)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with