Ahas sa garden (406)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2020 - 12:00am

HUMARUROT agad ang traysikel pagsakay ni Nicole. Lumalakas na ang ambon at pala­mig pa nang palamig ang hangin. Sumasampal sa mukha niya ang hangin. Nagtataka siya kung bakit walang nakakasalubong na sa­sakyan o traysikel. Si­guro’y dahil may banta ng ulan kaya wala nang bumiyahe. Mabuti na lang at may nag-iisang pumasadang traysi­kel. Kung hindi dumating ang traysikel na ito baka naroon pa rin siya sa terminal.

Sumapit sila sa madamo at makahoy na bahagi ng highway na ilang metro na lang at papasok na sa Bgy. Encarnacion. Madilim ang lugar na iyon.

Nang biglang tumigil ang traysikel. Nagtaka si Nicole. Nang makita niya ang isang lalaki na sasakay sa traysikel at sa loob pa – sa tabi niya uupo.

“Bakit mo siya isasakay mamang drayber?’’ Sigaw niya dahil hindi naman dapat magsakay dahil arkilado na niya iyon.

“Tumahimik ka d’yan!’’ Sagot ng drayber.

Sumakay ang lalaki at naupo sa tabi niya.

Umarangkada ang traysikel. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with