Ahas sa garden (405)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2020 - 12:00am

HINDI naman nangyaya-ri ang ganito na walang traysikel sa terminal. Ina­abot nang hanggang madaling araw ang biyahe ng mga traysikel sapagkat maraming nagbibiyahe ng produkto patungo sa bayan.

Ngayon ay kung bakit biglang nawala. Kahit isa ay walang makita sa terminal. Wala namang mapagtanungan si Nicole sapagkat wala ring tao gayung pasado alas nuwebe pa lamang.

Ngayon lamang ito nangyari. Wala namang dyip na bumibiyahe patu­ngo sa kanilang barangay kapag ganitong oras.

Naghintay pa si Nicole. Napansin niya na malamig ang simoy ng hangin. Parang uulan pa yata dahil biglang lumamig.

Dinukot ni Nicole ang folding umbrella sa kanyang backpack. Malaki ang tulong ng backpack na regalo ni Mang Alexis, este ng Love niya. Marami siyang nailalagay gaya ng tikluping payong.

Maya-maya pa, umambon na. Ibinukas niya ang payong. Sana may duma-ting nang traysikel bago pa lumakas ang ulan, bulong niya. Gusto na niyang makauwi, isa pa, nagugu­tom na siya. Hindi siya nagmeryenda kanina dahil inuna niya ang pagre-research.

Hanggang sa may ma-kita siyang liwanag sa di-kalayuan. Traysikel! Nakahinga siya nang maluwag. Makakauwi na rin siya!

Pumarada sa tapat niya ang traysikel.

‘‘Saan ka Miss?’’ tanong ng drayber.

“Sa Bgy. Encarnacion,” sagot niya at agad suma­kay. (Itutuloy)

AHAS SA GARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with